30 Disyembre, 1865[Pananaw ni Dencio]
Gustuhin ko man na kausapin si Cynthia, mas nangibabaw parin sa akin ang pag-iingat. Maigi narin siguro na naiisip nila na wala na ako sa nayon at hindi na kailanman pa babalik.
Paunti-unti ay pinipilit ko parin si Teresa na makipag tulungan sa akin, ngunit makailang beses narin niya akong hinindian.
Minabuti ko munang magtigil sa loob ng bahay para makapag plano ng maayos. Sumagi narin sa isip ko ang sumuko, ngunit mas nangibabaw sa utak ko na baka gumagawa din ng paraan si Cynthia para malaman ang totoo.
“Dencio?”
“Dencio?”
Pamilyar na boses ang nagtawag sa labas kasabay ng pagkatok sa pinto.Pagbukas ko, bumungad sa akin si Teresa.
“Napagawi ka, Teresa?” Agad ko namang pagtatanong sa kaniya.
“Teresa, alam kong pipigilan mo na naman ako, huwag kang mag-alala, kaya ko ang sa—”
“Tutulong ako,” pagpuputol niya sa mga sinasabi ko.
“Kung totoong alam din ni Cynthia ang mga plano mo, tutulong ako,” pagdaragdag pa nito.
Nagulat ako sa mga sinabi niya, nabuhayan muli ako ng loob. Mas magiging madali sa akin ang lahat kung makukuha ko ang tulong ni Teresa. Kulang ang pagmamasid ko kung ako lang ang kikilos. Mas mainam kung kasama ko si Teresa sa planong ito.
“Matagal na akong may pag hihinala kay Lola,” pagke-kwento nito.
“Mula nang may maamoy akong masangsang sa kwarto niya, sinundan pa ng isang misteryosong kahon na nakita ko at mga salita niya sakin,” pagpapatuloy nito.
“Masangsang na amoy?”
Pagtatanong ko kay Teresa.“Oo, hindi ko alam kung ano yung amoy na iyon. Amoy nabubulok. Malinis naman ang kwarto ni Lola pero kataka-takang masangsang ang amoy ng buong kwarto.” Paliwanag naman niya sa akin.
“Ano naman ang tungkol sa kahon?” Muli kong tanong sa kaniya.
Napatigil naman siya ng bahagya.
“Ang k-kahon?” Pag-uulit nito.
“Naiintindihan ko kung hindi mo pa kayang sabihin,” tugon ko naman sa kaniya.
“Hindi.”
“Ayos lang. Yung kahon na nakita ko sa loob ng kwarto ni Lola, naglalaman ng mga latin na dasal, kandila, lumang litrato at isang aklat.” Paliwanag nito.
“Aklat?”
“Yung aklat na iyon. Naglalaman siya ng mga pangalan. Ang nakapagtataka, lahat ng pangalan na nakapaloob sa aklat na iyon, namamatay.” Paliwanag pa ni Teresa.
“Nabasa mo bang lahat ang pangalan?” Paglilinaw ko sa kaniya.
Napatungo na lamang si Teresa.
Halos tumulo ang luha niya sa pagke-kwento.“Nabasa ko ang lahat. Pero...”
“Pero ano?”
“Pero, hindi ko na matandaan ang lahat. Sa dami ng nangyayari, hindi ko na maalala ang lahat. Pero, kasama ka sa mga pangalan na iyon,” pagtutuloy niya.
“Pati narin ang pangalan ko.” Pagdaragdag pa nito.
“Ibig mong sabihin, posibleng...”
“Posible na ano mang oras, tayo na ang isunod niya,” paglilinaw niya sa akin.
“Hindi ko alam ang kinalaman ni Lola sa mga patayan, pero isa lang ang nasisiguro ko. May alam si Lola.” Pagdaragdag pa nito.
“Posible kayang siya narin ang pumapatay?” pagtatanong ko kay Teresa.
“Hindi ko rin masasabi. Posible, pero imposible rin sa lagay ni Lola Maura.” Paliwanag naman niya sa akin.
May punto si Teresa. Posible na si Lola nga ang pumapatay. Pero imposible din naman dahil masyado na siyang matanda at mahina para makagawa ng ganoong bagay.
“Mas mainam siguro na usisain ko rin si Cynthia. Nasisiguro kong may alam siya sa bagay na iyan,” suhestiyon ni Teresa sa akin.
“Tama yan. Pero, tandaan mong hindi mo maaaring banggitin sa kaniya ang pagbabalik ko.” Tugon ko naman sa kaniya.
“Aalis na ako, Dencio. Baka hanapin na naman ako ni Inay. Hindi siya matutuwa kung malalaman niyang ikaw ang tinagpo ko.” Sambit niya sa akin sabay akmang palabas na ng bahay.
“Mag-iingat ka, Dencio.”
Pagdaragdag pa nito.“Ikaw ang mag ingat, Teresa. Kaya ko ang sarilli ko. Balitaan mo narin ako kung anong lagay ni Cynthia.”
Tugon ko naman sa kaniya habang inihahatid ito palabas ng bahay.Marami pang dapat na unawain sa kaliwa't kanang pag-patay sa baryo. Pero, naniniwala parin ako na sa likod ng mga tanong na ito, may nagkukubling kasagutan.
Kailangan ko pang magmasid, lalong higit kay Lola Maura at sa mga kilos niya.
Panandalian akong lumabas ng bahay para makasagap ng kahit na anong maaaring balita na kaugnay ng patayan na nagaganap sa buong baryo. Sigurado akong hindi matatapos ang araw na ito na walang ganoong klase ng balita.
Hindi pa man ako gaanong nakakalayo sa bahay, dinig ko na agad ang samo’t saring usapan ng mga tao.
“Si Pelita, nawawala narin.”
“Akala ko ba ay bata lang ang puntirya ng diyablong iyon?”
“Wala ng kaligtasan ang baryong ito.”Totoo naman ang mga sinasabi nila. Hindi na ligtas ang buong baryo. Magigising na lamang kami, isang araw, ubos na ang mga tao.
Kaya kung talagang may alam si Lola Maura sa mga nangyayari, dapat ko ring malaman iyon. Kung hindi niya kayang isambulat sa lahat ang inililihim niya, ako ang gagawa.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...