HE WAS A VAMPIRE?
Napanaginipan ko pa kagabi ang biglaan kong ginawang pagbaba at pagtakbo palayo sa sasakyan niya. Like really? Me? Si Embry Maceda, natakot sa kanya? Unbelievable!
Nagpout ako sa salamin matapos magpahid ng pink lipstick sa mga labi. It was eight in the morning at papasok na ako ngayon sa university. Inayos ko ang suot kong headbad na pink din ang kulay. Naka-tirintas nang dalawa ang lampas balikat kong buhok, at ang tali na aking gamit ay sanrio na kulay violet and green. Same sa suot kong dangling earrings na ang kulay ay violet and green din. Cute, right? Oh I know, right?
Lumayo ako nang kaunti sa salamin para i-double check naman ang aking kabuuhan. I was wearing a red halter sleeveless with a purple cardigan on top of it. Sa pang-ibaba ko naman ay green maong skirt na may orange and brown na butterfly patches. Sa paahan ay color mustard na long socks, at white with a shade of pink sneakers na may glittered purple heels. Oh yes darling, the designer was yours truly!
I am fond of styling and designing clothes, shoes, and accessories. I always have a flair in fashion ever since I was a kid that's why I took up a Bachelor of Design in Fashion & Apparel Design in St. Louise University. Confident ako na magiging isang sikat na designer in the future.
Actually, sa lahat naman ng bagay ay confident ako. But for the freakin' first time yesterday, tumiklop ako. For the freakin' first time, ako ang nanakbo palayo. Ahg! Oh, I hate that green-eyed guy!
Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata. Kakapuyat ko sa pag-aaral tuwing gabi, nanlalabo na ang mga ito. Akala ko tuloy talagang naging red ang mga mata ng lalaking iyon. Nang kumurap ako, green na ulit iyong mga mata niya kaya malamang na nagkamali lang talaga ako. Saka anong sinasabi niyang vampire siya? Ako pa talaga lolokohin niya? Hindi ako nasa dean's list para lang magpauto sa kanya, 'no? Utot niya vampire!
Though I admit that I really felt a sudden, soul-shattering chill when our eyes met. But maybe I just felt that because those electric green eyes he possessed were the greenest eyes I've ever seen.
Pero mas baliw pa siya sa akin. Periodt.
Ahg! Bakit ko pa kasi siya nakilala? Bakit pa kasi nag-krus ang landas naming dalawa? Bakit sa dinami-dami ng pwedeng maging tagasundo ng schoolmate kong si Perisha ay bakit naging siya pa?! Because of him, nagugulo ang imagination ko. Lalo pa nang makita ko na ang mukha niya, mas lalo nang lumabo sa akin ang mukha ng imaginary boyfriend kong si Cross! 'Tapos his name was Cross too! Really frustrating!
"What's the matter, dear?" untag sa akin ni Mudra.
Nasa kotse na kami at katabi ko siya sa harapan. She was the one who's driving the car. Ugali niya nang ihatid ako at sunduin sa university tuwing feel niyang magdrive.
"Well, I am annoyed as hell!" I answered her with my gritted teeth. Lalo pa akong sumimangot habang nakatanaw sa window ng passenger's seat.
"Oh, and why is that?" Ramdam ko ang paglingon-lingon niya sa akin habang nagda-drive. "Bumaba ba ang grades mo? I'm sure hindi. So ano? Gusto mo bang mag-vacation abroad? Or do you want a new new luxury bag or shoes?"
BINABASA MO ANG
When I First Met You
VampireYou can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form of an accident and another, by meeting Cross Gablin Vox, a stunning yet arrogant "vampire" who can...