Kabanata I

108K 5.4K 2.3K
                                    

Kabanata I

"HELLO, CROSS."

Humikab ako pagkatapos kong bumangon mula sa aking kama. Kinusot ko pa ang aking mga mata at saka ngumiti sa kawalan. What a good morning, right?

Nakatayo si Cross sa pintuan ng aking kwarto. Nakasuot siya ng white v-neck shirt at pajama – hindi pala. Erase, erase!

I think instead of pajamas, much better kung naka-boxers lang siya tapos apron sa ibabaw dahil katatapos lang niyang magluto sa kusina ng breakfast naming dalawa. Yeah, mas okay iyon!

So ito, humalukipkip si Cross at napasandal sa pader habang pinagmamasdan ako. May naglalarong ngiti sa kanyang mapulang mga labi – mas okay kung lalapit pala siya sa akin at masuyong hahaplusin niya ang aking pisngi.

Napatakip ako ng palad sa aking mga mata. "Ano ba 'yan, Cross, bakit naman naka-boxers ka lang?" dilat ang aking isang mata para sulyapan siya. "Ang aga-aga, nang-aakit ka! Bad 'yan!"

Porket nakuha niya na ang matamis kong "oo" kahapon ay naging daring na siya.

Yes, kami na since yesterday. I did my best to avoid him, because I know it was wrong to be with him. Pero mahal ko talaga siya kaya wala na akong pakialam pa sa kung ano ang tama at mali.

Umupo siya sa kama ko upang magpantay kami. Binaklas niya ang palad na nakatakip sa aking mukha.

"Kain na tayo, baby." Napaka-husky talaga ng boses niya.

"Cross..." Nag-iinit ang aking pisngi habang ako ay nakatitig sa kulay asul niyang mga mata – No! Ang gusto ko pala ay kulay brown na mga mata.

Wait, brown? Ay, parang ayaw ko rin pala ng brown. Okay, erase-erase!

Napaisip ako. Parang mas gusto ko kung kulay green na lang pala ang mga mata niya.

Mabilis akong gumapang sa aking kama papalapit sa drawer at humugot doon ng GQ magazine. Isa-isa kong binuklat nang mabilis ang mga pages nito para makapaghanap ng mga mukha ng modelong lalaki na nandoon.

Hindi ito pwede! Kagabi lang ay malinaw sa isip ko ang mukha ni Cross. Bakit ngayon ay parang nakakalimutan ko na naman ang histura niya? Kailangan kong mag-settle sa isang hitsura lang, hindi iyong paiba-iba!

Finally, nakakita ako ng isang modelong lalaki na may green eyes!

Humarap muli ako sa kawalan at napangiti. "Ano nga ulit iyon, Cross?"

Ngumiti sa akin si Cross. "Baby?"

Nag-init ang pisngi ko. "Yes?"

Bumulong siya. "Goodness, Embry!" Nagbago ang kanyang boses. "You're doing this again?"

"Ha?" Napakurap ako.

"You're imagining again?" boses na malat ng isang babae.

Napakurap ako at nagising sa malalim kong imahinasyon nang makita ang isang malaking babae na nakatayo sa pintuan ng aking kwarto.

"M-Mudra?"

Humithit sa hawak na Dunhill cigar si Alondra Maceda, my step-mom, at saka ibinuga sa hangin ang usok.

"Who else?!" Muli siyang bumuga ng usok.

Mukha siyang white lady sa suot niyang white gown na ginawa na niyang pantulog. Mahaba ang kanyang buhok na curly ang dulo. Matulis ang baba niya at nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata dahil sa eyeliner. Kulay itim ang kanyang lipstick at may braces siya sa kanyang ngipin. Malat ang boses niya at mapagkakamalan mo siyang lalaki kapag nagsalita. Kung may hawak siyang shotgun, siya na siguro ang coolest step-mom sa mundo na makikita mo.

When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon