Kabanata XII

42K 3.4K 906
                                    

WHY DID HE HUG ME?


Hindi mawala sa isip ko ang yakap ni Cross. Hindi rin mawala sa pakiramdam ko iyong init ng katawan niya. Bakit niya ginawa iyon? How can I forget him now? He was so evil!


"'Everything okay, baby?" Sinilip ako ni Dad sa rearview mirror ng sasakyan.


Siya ang driver at si Mudra naman ang katabi niya sa passenger's seat. Ngayon na ang araw ng flight namin to Italy. Si Dad mismo ang driver namin pero iiwan namin sa airport itong kotse.


"Dad, are you sure na hindi postponed ang flight?" pag-ibang tanong ko. Tumingin ako sa windshield at mula rito ay kitang-kita ang walang tigil na pag-ulan. Parang may bagyo ngayong araw.


"Hindi naman, baby."


"Alright. Pero bagalan mo ang driving, Dad. Wala na halos makita sa kalsada and we should be careful."


Nilingon ako ni Mudra at nginitian. "You can take a nap, Embry. Gigisingin ka na lang namin pagdating sa airport."


Tumango ako at gumanti ng ngiti sa kanya. Hindi na naka-black dress or eyeliner si Mudra ngayon, maaliwalas ang itsura niya sa suot na white maxi dress and light pink lipstick. Mukhang bago kami umalis ng mansiyon kanina ay nagkamabutihan na sila ni Dad.


Nagulat ako nang marinig kay Dad na gagawin na naming one-month ang vacation sa Italy. Bigla niya raw kasing na-realize na napakarami niya nang na-missed sa buhay. Magba-bakasyon to the max kami. Gusto niya raw kasing makabawi sa mga nasayang na panahon dahil sa pagkakasubsob niya sa trabaho.


About the company, ibinilin niya ito kay Tito James. Tuwang-tuwa naman ang lalaki. Simula raw kasi ng mahawakan ni Dad ang Maceda Holdings, Inc. ay ni minsan hindi na ito nagpahinga. Tito James was so happy to know na malamang mag-a-out of the country nga kami.


"Okay, I'll take a nap na muna," paalam ko sa kanila. Mas mabuti na ring matulog muna ako para naman hindi gumagana ang isip ko.


Papikit na ako nang may matanaw akong bagay na papalapit sa gilid ni Dad. Nanlaki ang aking mga mata nang ma-realize kung ano ito.


"Dad!" sigaw ko na sumabay sa malakas na tunog ng busina.


Isang truck ang papalapit na hindi agad namin napansin dahil sa lakas ng ulan. Mabilis ang pagsadsad nito patungo sa amin.


Bago pa mailiko ni Dad ang manibela ay nabangga na ng truck ang kalahating katawan sa unahan ng aming sasakyan. Nabingi ako sa lakas ng tunog ng nayuping metal at nabasag na salamin.


Hindi ko mabilang kung ilang beses nagpa-ikot-ikot at bumaliktad ang sasakyan namin sa lakas ng impact.


Ang huling naaalala ko na lang ay humapas ako sa salamin ng bintana. Nawalan na ako ng malay pagkatapos.



✟✟✟

PAGMULAT ng aking mata ay kulay puting kisame ang sumalubong sa akin. Nang igala ko ang paningin sa paligid ay aking natiyak na nasa isang private hospital room ako.



Sinubukan kong gumalaw pero ang nakakabit na dextrose sa aking mga kamay ang pumigil sa akin. Naramdaman ko rin ang matinding pagkirot ng ulo at ilang parte ng katawan ko.



"Thank God, you're awake now!" Sa gilid ko ay biglang sumulpot si Trudis. Sa itsura niya ay halata na wala pa siyang tulog. Ang payat-payat at maputla na nga siya, 'tapos nangangalumata pa siya ngayon.



Wait? Don't tell me na siya ang nagbantay sa akin? Why? Nasaan ba sina Dad and Mudra? Bakit wala sila rito?!



Sinubukan kong magsalita pero ungol lang ang lumabas sa aking bibig. Masakit din ang aking leeg. What happened? Bakit hindi ako makapagsalita?



When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon