Kabanata XXIV

41.4K 3.3K 834
                                    

"KUMAIN KA NA BA?"


Tulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Hindi ko pinansin kahit pa tinanong ako ni Ate Baby.


Saka paano ko naman sasagutin ang tanong niya? Pipi ako, di ba? Tinatamad din akong kunin ang whiteboard at marker ko sa bedside table para lang magsulat ng sagot sa kanya. Tinatamad ako sa lahat ng bagay.


"Hija naman..." Naupo siya egde ng aking kama. May dala siyang tray ng pagkain na hindi ko naman kakainin. Wala kasi akong gana at wala akong ibang gustong gawin kundi ang magmukmok lang. Mula nang makabalik si Ate Baby rito sa mansiyon ay palagi niya na akong inaasikaso.


Bukod sa inaalagaan ako ni Ate Baby, siya na rin ang chef sa kitchen. Ang isa namang paparating na kasambahay ang mag-aasikaso sa paglilinis ng mansiyon at paglalaba ng maruruming damit. Si Mang Chito naman ay ang driver, runner and gardener namin. Siya rin kasi ang taga-grocery. Kapag morning, siya na ang nagdidilig ng mga halaman. Siya ang in-charge pagdating sa mga gawain sa labas ng bahay.


"Pangatlong araw mo nang hindi kumakain. Hindi ka na rin lumalabas dito sa kwarto mo. Ang putla-putla mo na, hija..."


Yes, it was my third day without food. Though umiinom naman ako ng tubig minsan. Wala lang talaga akong gana. Wala akong gana sa lahat.

Pang-apat na araw ko na ring absent ngayon sa school. Tapos na ang final exam namin at hindi ako nakapag-exam sa kahit isa man lang na subject. Sayang. Nakahabol na sana ako sa classes namin.

Mukhang hindi na talaga ako makakabalik sa Dean's list. I doubt too kung makaka-graduate pa ako matapos kong hindi pasukan ang magkakasunod na exams.

Nanghihinayang ako pero nanghihina naman akong kumilos at gumawa ng paraan. Mas gusto ko lang talaga ang manatili rito sa kwarto ko at tumulala. Gusto ko na dito na lang sana ako tumanda at mamatay.

"Galing pala rito kanina si Tisoy," nabanggit ni Ate Baby.

Ang tisoy na tinutukoy niya ay si Blue. Noong unang araw na hindi ako nakapasok, bigla na lang dumating si Blue. Itinatanong kung bakit hindi ako pumasok. Napailing na lang ako nang malaman iyon. Sinabi ko na kasi sa kanya na married na ako, at nagsimula na nga siyang umiwas sa akin, di ba? Bakit bigla ay nag-aalala na naman siya?

Bumukas ang pinto ng kwarto at dumungaw si Mang Chito. "May tawag ka sa phone, hija."

Tulala pa rin ako. Nanatili lang ako sa aking pagkakahiga.

"Sino raw, Mang Chito?" si Ate Baby na ang nagtanong.

"Professor ni Embry sa university," sagot ng matandang driver. "Pinapapunta raw siya ng dean."

Of course, tatawagan ako ng university. Nag-aalala siguro sila sa akin na baka hindi ko pa matapos ang semester na 'to.

"Ano raw kailangan?" tanong muli ni Ate Baby.

"Kailangan daw nila makausap si Embry kasama ang guardian."

Wala naman akong guardian, sabi ko sa isip. Patay na si Daddy, in coma pa rin si Mudra at wala na si Tito James.

"Ako na muna ang tatayong guardian." Tumayo si Ate Baby mula sa pagkakaupo sa edge ng kama para lumabas ng kwarto. "Ako na ang kakausap."

Paglabas nila ay tumagilid ako sa pagkakahiga. Niyapos ko ang aking unan. Dahil mag-isa na naman ay naiiyak na naman ako.

Ang dami-daming kong iniisip. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Wala na talagang natira sa akin, pati si Cross ay wala na rin.

Sumasagi sa alaala ko iyong huli naming pagkikita ni Cross at lalo lang akong napaiyak.

When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon