Kabanata XXV

46.5K 3.8K 1.1K
                                    

I THOUGHT EVERYTHING WAS JUST A NIGHTMARE, BUT IT'S WASN'T.


Sumabog talaga ang sinasakyan na van nila Cross kahapon habang papunta siya sa isang business meeting para sa Maceda Holdings, Inc. It was all over the news now dahil mainit pa sa media ang kompanya mula nang mamatay si Dad. Nakalagay sa headline na ang bagong CEO ng kompanya ang sakay ng van, and it was Cross!


Confirmed na mula mismo sa kompanya na isa nga si Cross sa sakay ng van. Isa siya sa mga namatay sa pagsabog!


Nang malaman ko ito ay nagpunta agad ako sa morge na tinext sa akin ni Ate Baby. Nang makarating ako sa morge, still un-identified pa kung sino-sino ang mga bangkay dahil nagkahalo-halo na. Hindi malaman kung ilan ang katawan dahil ang iba ay pira-piraso dahil sa lakas ng pagsabog.


Ang iba namang bangkay ay walang ibang bahagi ng katawan. Pero lahat ay sunog at hindi na makikilala. So I'll just have to wait the result kung ilan nga talaga ang bangkay na nakuha nila, at ang result ng DNA test to identify each body.


The investigator advised me to go home while waiting for the result. At habang naghihintay ako rito sa bahay ay para bang unti-unti akong dinudurog sa kaba. Kailangan ko nang malaman ang result or else, baka mamatay na ako sa kakaisip dito.


Paulit-ulit kong isinisiksik sa utak ko na vampire si Cross at hindi siya mamamatay. But it was a big fire. Sumabog ang van at nag-apoy ito. Pwede naman sigurong mamatay ang isang bampira sa sunog, di ba?


Ewan, hindi ko alam. Wala rin akong lakas para mag-research tungkol doon. Malay ko rin ba kung totoo ang isasagot ng mga libro at Internet sa akin tungkol sa mga bampira.


Kung alam ko lang na hindi na kami magkikita ulit, sana ay humingi na ako ng tawad sa kanya the last we'd met. Sana nagmakaawa ako sa kanya para patawarin niya ako.


I was so stupid! Dapat man lang sana ay nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Sana man lang ay naamin ko sa kanya na mahal ko siya!


Mahal ko na siya...


Mahal na mahal ko na siya...


Mahal na mahal ko si Cross!


Matagal ko na palang nakalimutan ang imaginary Cross. My imaginary perfect love. Limot ko na kaya pala hindi na ito bumabalik. Nakalimutan ko nang tuluyan dahil ang totoong Cross na ang mahal ko.


Natutunan ko na siyang mahalin. Mahal na mahal ko siya at ngayon, pati siya ay wala na rin.


Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Naka-ilang balik na rin si Ate Baby rito sa kwarto ko para dalhan ako ng pagkain. Ilang beses ko rin siyang natanggihan dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom. Labis ang pag-aalala ko kay Cross. Para akong masisiraan ng bait kakaisip sa kanya. Parang sasabog ang puso ko.


Si Dad, si Mudra, at ngayon si Cross? Wala na ba talagang matitira sa akin?


Bakit hindi na lang rin ako mamatay para matapos na ang lahat? Bakit sobra-sobrang parusa ang nararanasan ko? Hindi naman ako masamang tao!


Mayamaya ay humagulhol na naman ako. Hawak ko ang aking dibdib at halos mamilipit ako sa sobrang sakit. Ayaw kong pati si Cross mawala... Ayaw ko...


Sana lumipas na ang oras. Hangga't hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Cross, hindi mawawala ang paninikip ng aking dibdib. Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya.


Mas gusto ko pa iyong alam kong buhay siya kahit pa hindi ko siya nakikita at nakakasama, kasya iyong patay na siya.


Mas kakayanin ko pa ang isiping galit siya sa akin at ayaw niya na akong makita, kaysa isiping talagang wala na siya at hindi na talaga babalik pa.


When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon