Kabanata XXVII

45.4K 3.6K 347
                                    

5:30 pm pa lang ay nakauwi na ako. Hindi na ako umabot pa sa curfew na bigay ni Cross. Pagpasok ko sa main door ay nadatnan ko siya na palakad-lakad sa sala.


"Kumain ka na." Pagkasabi niya sa akin ay tinalikuran na niya ako.


Malamig siya. Galit ba siya? Siya pa talaga ang galit?


Hindi ba niya alam na muntik na akong bumagsak sa quiz sa isang subject kanina dahil sa iniisip ko siya? 


Hindi ako mapakali buong araw dahil naguguluhan ako. Iniisip ko kung bakit ganoon ang reaksyon niya nang pagkamalan siya ni Blue na sinasaktan niya ako. Nagtataka ako kung bakit bigla na lang siyang dadating at biglang aalis din.


CROSS, I called his name through my mind.


Nilingon niya ako at tinaasan lang ng kilay.


Nag-isang guhit ang mga labi ko. Paano ko ba sasabihin ang mga tanong na gumugulo sa akin? Nakakainis dahil bigla na lang nawala ang lakas ko nang masalo ko ang matiim niyang mga tingin.


Sa huli ay tinanong ko na lamang sa kanya ang tungkol sa mga helpers. WHERE ARE THE HELPERS? PINAALIS MO NA NAMAN BA SILA?


"Yes," tipid niyang sagot.


'Sabi na. Pinaalis nga niya ang mga helpers. Hindi man lang ba niya inalala ang kabuhuayan ng mga inalisan niya ng pagkakakitaan? WHY DID YOU DO THAT TO THEM? THEY NEED A JOB, CROSS—


"I know that. Tuloy pa rin naman ang monthly salary nila kahit pa noong unang beses ko silang sinesante."


Napakurap ako sa sinabi niya. YOU MEAN, MAY SAHOD PA RIN SILA KAHIT HINDI NA SILA NAGWO-WORK DITO SA MANSIYON?


"Yes."


Bakit hindi yata nila ito nabanggit sa akin mula pa noong una? Nag-alala tuloy ako dahil baka wala silang napagkukunan ng panggastos sa araw-araw.


"I told them not to tell you."


My lips pursed into a pout. Akala ko ba nagtitipid lang siya kaya niya tinanggal ang mga helpers? Bakit pinapasweldo niya pa rin?


"Eat your dinner. Nagluto na ako." Tinalikuran na niya ulit ako.


WAIT!


Humarap ulit siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.


ABOUT THE INCIDENT THE OTHER DAY... Tukoy ko sa pagsabog ng van na sinasakyan nila. DID THEY DISCOVER THAT YOU'RE STILL ALIVE EVEN AFTER THE EXPLOSION? I MEAN, HINDI BA SILA NAGHIHINALA NA BAKIT NABUHAY KA PA –


"My brother took care of everything."


B-BROTHER?


"Yeah, I have a brother. Actually, we are triplets."


Umawang ang mga labi ko sa gulat. Parang hindi ko yata ma-imagine na may kapatid siya, kakambal pa kaya? At tatlo pa?! As in, tatlong kamukha niya ang nabubuhay sa mundong ito?


"Hindi kami identical na tatlo, but we all have these green eyes."


ARE THEY IMMORTALS LIKE YOU?


"Yes. Kaden, me and Lourd, were all born immortals from immortal parents. And we all stopped aging in our mid-twenties."


Napalunok ako.


"Now, eat your dinner." Tinalikuran na niya ulit ako.


WAIT! Muli kong habol sa kanya.


Yamot na siyang humarap sa akin.


Napayuko ako. ABOUT WHAT HAPPENED LAST NIGHT...

Bigla na lang na nagblangko ang kanyang luntiang mga mata. "Are you still hurt?"


HA?


"Goodnight." Hindi niya na hinintay ang sagot ko. Tinalikuran na niya ako at hindi na nilingon.


Nakahabol na lang ako ng paningin sa kanya. Nakapamulsang umakyat siya sa hagdan patungo sa second floor, to his room. 


Wala ba talaga siyang balak na kausapin ako?


Ganoon na lang ba talaga para sa kanya ang nangyari sa amin? 


For me, it was a big deal. I may not remember everything that happened between us last night, but still, it was an important event for me. It was my first...


He was my first...


Namalayan ko na lang na humahakbang na ang aking mga paa patungo sa hagdan para habulin siya. CROSS!


He stopped in the middle of the staircase.


LET'S TALK...


Matagal bago siya marahang lumingon, and when he did, napaatras ako sa takot.


"Stay away from me, Embry," he said in a low and dark voice.


Para akong pinangapusan ng paghinga dahil sa nakikita kong itsura niya. 


His eyes were vivid and glowing bloody red, and he was staring at me like he wanted to do something bad to me.


"If you don't want to be hurt again, you must stay away from me," he then grinned that showed me his vampire fangs for the very first time.



JF

When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon