Kabanata XXVIII

55.8K 4.1K 1.5K
                                    

ANOTHER FREAKING FIRST TIME.


My very first time to finally see his fangs.


Tumabi sa akin si Blue. "You look pale, Embry."


Umangat ang paningin ko kay Blue. Hindi ko man lang napansin na nakapasok na siya sa loob ng classroom dahil sa sobrang lalim ng aking iniisip. Iniisip ko na ito mula pa kagabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako matapos-tapos.


Hindi pa rin ako maka-get over sa nakita ko. Alam ko namang bampira si Cross, alam ko rin na may pangil siya, pero hindi ko akalain na matatakot pa rin ako kapag nakita ko na.


"You don't have to cover him." Kinuha niya ang kamay ko at marahang pinisil. "I don't know what you're the reason why you're still staying with that man, but I will not judge you. I just want you to know that I am always here for you, that you can always run on me, and that I will help you in any way I can."


THANK YOU, BLUE, sulat ko. Marahan kong binawi ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya. BUT I'M REALLY OKAY. CROSS IS NOT HURTING ME.


Tumingin siya sa aking leeg kung saan bakas pa ang pangingitim ng pasa, at pagkatapos ay mapait siyang ngumiti. "If you say so."


Nang mag-uwian na sa last subject ay nagmamadali ang mga lakad ko patungo sa gate. Ayaw ko na abutan pa ako ni Blue at yayaing sumabay sa kanya.

Naaawa at nagi-guilty lang ako dahil alam ko na may feelings siya sa akin.


Iniiwasan ko siya to the point na lantaran na, hindi pa rin siya sumusuko. Kahit nga sa pagkakaalam niya ay married pa ako, hindi pa rin siya natitinag.


Naniniwala siya na may something sa marriage ko. Mas lalo pa siyang naging masigasig nang akala niyang sinasaktan ako ni Cross. Kahit anong paliwanag ko, iniisip niya pa rin na baka natatakot lang akong umamin.


Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong gawin para tigilan niya na ako. Ang hirap naman niyang awayin dahil nga sa mabait siya at malinis naman ang atensyon niya.


Sinubukan ko na ring kumain nang may sounds at nakabukas ang bibig para naman mawalan siya ng gana, pero nakakainis kasi ang cute ko raw.


Dumighay na rin ako nang malakas, pero natuwa pa siya kasi wala raw akong arte. Gosh hindi ko na alam kung saan lulugar.


Baka mamayang gabi ay try ko na lang na i-text siya ng chain message at baka sakaling ma-turn off naman siya kahit kaunti. Pag ayaw pa rin, baka murahin ko na siya tapos sabihin ko wrong sent.


Paglabas ko ng gate ay namroblema na agad ako nang makitang wala nang mga nakaparadang taxi sa gilid ng St. Louise University. Wala ring nagdaraan.


Nakakainis dahil dapat pala kanina pa ako sa room nagbook ng Grab para paglabas ko ay nandito na. Naiihi pa naman na ako. 'Tapos baka parating na rin si Blue at maabuutan pa ako rito.


Paglingon ko ay nakita kong parating na nga si Blue. Patingin-tingin siya sa paligid and obviously, he was looking for me. Nang makita niya ako ay kumaway siya agad. "Embry!"


Oh, shoot!


Nagpatay-malisya ako na bumalik ng tingin sa kalsada. Sakto namang may humintong white Chevrolet sa harapan ko.


Nagningning ang mga mata ko nang mula roon ay bumaba si Cross. Bago pa siya makalapit sa akin ay sinalubong ko na siya ng yakap. 


Natulala si Cross sa ginawa ko pero bago pa siya makapag-react ay pumasok na agad ako sa passenger seat ng sports car. Nang silipin ko sa bintana si Blue ay malungkot na lang siyang nakatanaw sa akin.


When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon