Kabanata XXIX

43.5K 3.2K 407
                                    


MY BODY WAS ACHING LIKE HELL.


When I opened my eyes, I found myself in a hospital bed. I also noticed that I have cast on my left arm and a brace on my neck. Sinubukan kong bumangon at kumirot ang aking balakang sa pag-upo. What happened? Bakit ganito ang itsura ko at bakit ako nandito?


"Embry, you're awake," gulat na boses ng isang lalaki na nasa kanan ko. It was Blue.


Ngayon ko lang nalaman na nandito siya. Sa pamumula ng mga mata niya ay natiyak ko na mukhang galing siya sa pag-idlip. Parang binabantayan niya ako nang tamaan siya ng pagod at antok.


"Oh God, I'm so glad that you're finally awake." Umahon agad siya sa upuan at lumapit sa akin. "How are you feeling? May masakit ba sa 'yo? I'm calling your doctor—"


Hinawakan ko siya sa braso sanhi para matigilan siya sa pagsasalita. Kinapa ko ang bulsa ng kanyang jeans at nang malamang nandoon ang phone niya ay basta ko iyon kinuha nang walang paalam. Nakatulala lang naman siya maging nang kunin ko ang isa niyang kamay para sa finger print authentication.


Nang mabuksan ang phone ay tinungo ko agad ang write message at nag-type roon. Nang makatapos magsulat ay iniharap ko sa kanya. WHY AM I HERE?


"Embry..."


Nag-type ulit ako. WHAT? I was being impatient now because I was so curious to know why the hell I was here. Ang pagkakatanda ko kasi ay si Cross ang kasama ko at nasa kubo kaming dalawa.


"Dinala ka rito ng asawa mo."


Napakurap ako sa sinabi niya. Si Cross? Dinala ako ni Cross dito? But where was he? Bakit hindi siya ang nandito sa tabi ko?


"Nagulat ako nang bigla siyang tumawag gamit ang number mo. He told me that you're in a hospital, then he gave me this address."


Nanahimik ako habang pilit inaalala kung ano ang huling nangyari. Kumikirot ang isip ko habang pilit pinipiga ko ito.


Finally may natatandaan akong ilang eksena. We were both naked while exchanging passionate kisses. Then the kisses got hotter and his lips trailed down my neck. I was so turned on that I bent my neck to give him more room to kiss me. I can also remember how he lifted me and pushed me to the hut's wall. He was so wild and rough.


Natigilan ako nang maalala. Nasaktan ba ako kaya ako nawalan ng malay? Malamang, kaya nga nasa ospital ako with cast and brace. Dinala niya siguro ako rito pagkatapos. 


Alam ko at ramdam ko na nakarating kami sa dulo dahil nararamdaman ko ang pananakit ng pagitan ng mga hita ko.


"Tell me the truth, Embry. Is he hurting you?" Malamlam ang mga mata ni Blue habang nakakatitig sa akin.


Agad akong umiling sa tanong niya.


When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon