Kabanata XV

43.4K 3.5K 768
                                    

WHAT A NIGHTMARE.



Napabangon ako sa kama at sinapo ko agad ang aking ulo. I was having a mild headache. Siguro ang masamang panaginip ang dahilan. Pero mabuti na lang at panaginip lang ang tungkol sa eight pack abs, shower and the teleport thing.



Oh, there was another one, the fangs!



Hah, good thing those were just parts of a nightmare—



"Those weren't nightmares," said a deep baritone voice.



Napaangat ang aking mukha at nakitang nakasandal sa dingding ng aking kwarto si Cross. Nakapamulsa siya sa suot na silk red pajama, my pajama! Where did he get that?! And his white shirt, that was also mine! That was my favorite plain loose shirt! Why the hell did he wear my clothes?!



Kinapa ko agad ang aking whiteboard at marker sa tabi bedside table pero wala ang mga ito rito roon.



"There's no need for those things because I can read your mind."



I shook my head at him, then I slapped my own forehead to test if this wasn't a dream. But it hurt and I didn't wake up.



Napabuga siya ng hangin. Ang itsura niya ay kaunti na lang, ihahagis niya na ako sa veranda dahil sa asar. But no, hindi pa rin ako maniniwala.



Pumikit ako nang mariin at umiling-iling. Pero pagdilat ko ay narito pa rin ako sa kama at kaharap si Cross.



"Will you please stop that?" iritang asik niya.



Hindi ko siya pinansin. Ipinikit ko muli ang mga mata ko at dumilat. Ganoon pa rin. Nandito pa rin ako sa kama at kaharap siya.



Naiiling na humakbang siya palapit sa akin. "Listen to me, wifey."



Napasiksik naman ako sa headboard ng kama.



"When will you take me seriously?"



Umiling ako. Hindi ko kayang paniwalaan ang lahat ng ito. Baka nga nababaliw na talaga ako!



"When we first met, why do you think my car door was open?"



Ha? Napatitig ako sa berde niyang mga mata.



He sat on the edge of my bed. "It's because I know you were sneaking so I unlocked the door for you."



My eyes widened upon realizing what he said. Totoo nga na sa tuwing papasok ako sa kotse niya ay bukas ang pinto nito.



"And how do you think I know all about your imaginary boyfriend?"



Lalong nanlaki ang mga mata ko.



"It's because the first time I met you, you're imagining about him. And I was so curious because we have the same name."



Hindi na pantay ang paghinga ko. Hinihingal ako habang nasa malalim pag-iisip.



"Oh, I almost forgot what you did to me the last time. Sinubukan mo akong ipagulpi sa gang ng schoolmate mo."


Oh, dang!



"They cannot defeat an immortal, Embry. Hindi nila ako kaya kahit magtulong-tulong pa sila."



Kahit malamig ang AC ay nagbutil-butil ang pawis ko. Pinapawisan ako pero nanlalamig ang aking katawan sa pinaghalong tensiyon at kaba.



When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon