"HOW DARE YOU, MUDRA?!"
Kamuntik maibuga ni Alondra Maceda, my stepmom, ang iniinom niyang tea nang bigla akong sumulpot sa kanyang likuran. It was 10 in the morning nang sugurin ko siya rito sa lanai kung saan siya madalas tumatambay tuwing umaga.
"You startled me, honey!" Napahawak siya sa kanyang dibdib. Pinandilatan ako ng mga mata niyang tadtad ng black eyeliner. Yes, ang aga-aga pa at kahit wala naman siyang lakad ay naka-eyeliner siya. And as usual, long loose black duster na naman ang kanyang suot.
"Did you call Dr. Framis again?" Hindi ko pinansin ang pagkagulat niya dahil mas lamang sa akin ang nararamdaman kong panggi-gigil sa mga oras na ito.
"Hmn? Who?" Umiwas ang kanyang mga mata sa akin at binalikan ang tasa ng tea na iniinom niya kanina. Halata sa mukha niya ang pagmamaang-maangan.
"Mudra?!" sigaw ko na may kasamang pagpapadyak sa sahig. "Dr. Framis, the psychiatrist!"
Iisa lang naman ang Dr. Framis na kilala namin kaya nakakainis na nagmamaang-maangan pa siya riyan. Everytime na tinatawagan niya si Dr. Framis, tumatawag din sa akin ang doctor na iyon para bigyan ako ng schedule.
"You called him! We've already talked about this, right?!"
Inilapag niya sa bilog na mesa sa lanai ang hawak niyang tasa at mahinhing hinalo ng kutsarita. "You need him, honey. Kahit isang beses lang, magpakonsulta ka—"
"No! Hindi ako baliw!" I cut her off.
"I'm not saying that you are, honey."
Nangasim lalo ang aking mukha. "Then why would I need advice from a psychiatrist?!"
"Because you need it."
"Pero hindi nga ako baliw!"
Humugot siya ng isang stick ng luxury cigar sa case na nasa ibabaw ng table, at sinindihan ito gamit ang lighter na kinuha niya sa mula sa bulsa ng kanyang loose black duster. "Hindi lang baliw ang nangangailangan ng advice from the professionals, honey."
"I'm okay, Mudra. I don't need advice—"
"You need it." Now, it was her turn to cut me off. "Dahil imbes na nakikipag-kapwa-tao ka, nakikipag-kaibigan, ay nakukontento ka na lang riyan sa imagination mo. Not good for a college student like you."
"Coming from you, Mudra?" Napamewang ako sa harapan niya. "E wala ka namang friends maliban sa akin at sa mga drama na sinusubaybayan mo sa TV!"
"I am not your age," pangangatwiran niya. "Besides wala akong imaginary boyfriend, honey."
My eyes automatically rolled. "I thought you're okay with me imagining Cross?"
"Yes, okay lang naman. But this is not just about him. It's about what you did because of him."
BINABASA MO ANG
When I First Met You
VampireYou can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form of an accident and another, by meeting Cross Gablin Vox, a stunning yet arrogant "vampire" who can...