Kabanata XIII

42K 4K 1.1K
                                    

CROSS WAS LEANING ON MY HOSPITAL ROOM'S WALL. Nakatitig sa akin ang luntiang mga mata habang nakataas ang isang kilay niya.



He was wearing a long-sleeve, dark grey polo and his hands were inside the pockets of his fitted jeans. And as usual, his semi curled raven black hair was messy.



Ni hindi man lang niya sinuklay kahit gamit man lang ang kanyang mahahabang daliri. Palibhasa kasi alam niyang kahit anong itsura niya ay guwapo siya.



By the way, he was here because I called him on his cell phone yesterday. I thought he wasn't coming today dahil nakailang text and calls na ako sa kanya na hindi niya man lang pinagkaabalahang sagutin.


Nagsulat ako sa white board na hawak ko at ihinarap sa kanya. HI, HANDSOME! I MISS YOU!


Napailing siya nang mabasa ito.


Nagsulat ulit ako sa whiteboard. FORGIVE ME. IT'S JUST THAT I COULDN'T HELP BUT TO NOTICE HOW PERFECT YOU ARE EVEN WITH THAT MESSY HAIR! YOU'RE SO FINE THAT I COULD CRY! 🙂


Napailing na naman siya. "Stop flirting. You're not good at it."


BUT I'M NOT FLIRTING! YOU REALLY ARE HANDSOME! PLUS YOU'RE EXTRA SEXY TODAY!


"Ewan ko sa 'yo."


Nanulis ang nguso ko at ibinaba ang white board. I was just trying to lighten the mood. Ang awkward kaya ng hangin sa paligid namin ngayon dahil sa huli naming pagkikita.


"I thought we're not gonna see each other again after our last meeting. So what do you want this time?"


Nagsulat ako. Fine, ayaw niya nang paligoy-ligoy, then I'll go straight to the point. I NEED YOU TO DO SOMETHING FOR ME. I'LL PAY YOU.


"How much?"


HALF A MIL.


Namungay ang kulay berde niyang mga mata. "Okay, I'm listening."


Napairap ako. Kapag talaga kaperahan, nawawala ang emosyon at pride ng lalaking ito.



Bumaling ako sa hawak-hawak kong white board na para magsulat. HINDI MO MAN LANG BA KO KUKUMUSTAHIN MUNA? HINDI MO BA ITATANONG KUNG OKAY LANG BA AKO? 🙁


"I know what happened to you. Perisha told me the news last week," sagot niya after reading the message that I wrote on the whiteboard.


Bumagsak ang mga balikat ko. So he knew since last week? Alam ko naman na alam na niya, pero in denial ako at iniisip pa rin na baka hindi pa niya alam.


Although sa pagsabi pa lang ni Trudis na dinalaw ako ni Perisha noong in coma ako, alam ko na agad na makakarating iyon sa kanya. I was disappointed na hindi talaga siya sumilip man lang sa akin noong malaman niya. Hindi pa nga siya pupunta kung hindi ko pa siya kinulit through text and calls.


Hindi man lang ba talaga siya nag-alala kahit kaunti?


Tiningnan ko siya para subuking arukin kung ano ba ang nararamdaman niya. Pero ni katiting na pagwo-worry or whatsoever, wala akong makita.


Dinampot ko ulit sa aking tabi ang white board at marker para magsulat. Nang makatapos ay itinapat ko iyon sa kanya. YOU KNEW ABOUT WHAT HAPPENED TO ME, YET YOU DIDN'T EVEN BOTHER TO VISIT!


"Why would I? You don't wanna see me anymore." Umismid ang mapula niyang mga labi.


Napanganga ako sa sagot niya. Masama ang loob ko sa kanya pero nag-backfire agad sa akin ang sumbat ko.



When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon