Kabanata XIV

45.8K 3.7K 1.2K
                                    

STOP STARING AT MY HUSBAND!


Cross was standing a few steps away from me and Trudis, busy discussing something with Tito James. He was still wearing his black baston slacks and white button-down long-sleeve polo because our simple civil wedding just happened a while ago.


Nalukot ang hupyak na mukha ni Trudis nang mabasa ang nakasulat sa whiteboard ko. "Tingin lang naman, hindi naman siya mauubos sa tingin ko lang e."


I wrote an answer to her. STILL, YOU'RE NOT ALLOWED!


I didn't know why I was being possessive about Cross. Maybe because we were now married? But we were only married in papers. We only married each other for the sake of the company and nothing else.


Padabog na naupo si Trudis sa upuang katabi ng aking wheelchair. "I thought you don't wanna marry him?" Lumabi siya sa akin. "What made you change your mind?"


Natigilan ako sa tanong niya. Totoo na bigla na lang nagbago ang isip ko tungkol sa alok ni Cross na kasal. Ilang gabi kong pinag-isipan na halos ikabaliw ko sa pag-iisip, napi-pressure ako dahil tumatakbo ang oras.


The last thing I would want was to make things more complicated between me and Cross. But for the sake of the company, I finally said yes to his proposal— "business proposal".


Gusto ko na ngang lumayo sana so I can finally forget about him, ang kaso nangyari ang aksidente. Namatay si Dad at kailangan ko ng kapalit niya sa kompanya.


Habang hindi pa ako handa, kailangan ko munang maghanap ng pansamantalang magiging CEO ng Maceda Holdings, Inc. Wala akong naiisip na higit na karapat-dapat at higit na katiwa-tiwala kung hindi si Cross. So I had no choice but to contact him.


He wasn't interested in my money or shares in the company, marrying him was the only option he gave me. And now I was already Mrs. Cross Gablin Vox.


Simple civil wedding sa munisipyo lang ang kasal namin ni Cross kanina. Napakasimple at napakabilis na hindi katulad ng napapanood ko sa mga romantic movies.


Hindi katulad ng pinapangarap kong kasal kung saan ihahatid ako ni Dad sa altar at may ihahagis akong boquet of white roses na si Mudra ang makakasalo. Wala ring decoration sa paligid at handaan pagkatapos ng kasalan, dahil nga sa kuripot ang napangasawa ko.


Wala ring mga bisita kanina maliban sa mag-amang witnesses na sina Tito James at Trudis. Wala rin namang ibang makakapunta dahil sa hindi naman kami nag-announce, plus wala rin naman akong kamaganak na pwedeng imbitahin.


Wala rin akong naiisip na i-invite sa university, dahil bukod sa wala akong ka-close roon ay wala rin akong balak ipaalam sa public na married na ako.


Binalaan ko na rin si Trudis na wag ipagsasabi ang tungkol sa kasal ko. Kahit pa alam kong chismosa ang babae, wala akong ibang choice kundi magtiwala pa rin sa kanya.


Sa side naman ni Cross ay wala ring pumunta. Ewan ko, hindi naman siya nag-explain kung bakit walang um-attend sa family niya. Wala naman kasing importante kundi ang pangalan namin sa papel.


Ang mahalaga lang sa kanya ay Mrs. Vox na ako at parte na siya ng Maceda Holdings, Inc.


After our wedding, nag-lunch lang kami sa pinakamalapit na fastfood doon sa munisipyo. Hindi na nga niya sinama sina Tito James at Trudis dahil dagdag gastos lang raw. Habang kumakain tuloy kami ay panay ang pag-irap ko sa kanya.


Pero nagustuhan ko iyong part na wala kaming honeymoon. Gastos lang raw at wala rin siyang time dahil marami siyang aasikasuhin sa Maceda Holdings, Inc.


When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon