"HER NAME WAS DIANA."
Tila bangag na si Mudra sa kalasingan nang ihatid ako ni Cross sa bar. Agad ko siyang nakita dahil nasa bukana lang siya naka-pwesto, at siya lang ang bukod tanging nag-iisa at walang kasama. Pigil ang emosyon na nilapitan ko siya. Ayaw kong makita niyang kinakaawaan ko siya. That was the last thing she would want me to feel about her.
Nag-taas siya ng mukha sa akin nang tabihan ko siya sa table. Mula sa kumukurap-kurap na neon lights sa paligid ay napagmasdan ko ang itsura niya. Mukhang nakarami na siya ng inom dahil pulang-pula na pati ang kanyang mga mata at bahagya nang nabura ang black lipstick niya sa mga labi.
"Did you see the new woman? That Diana?" Halos sumigaw ako dahil maingay ang tugtog dito sa bar.
Maingay rin ang boses ng mga party people sa paligid.
Mapait na ngumisi si Mudra. "Of course. Kasama siyang umuwi ng dad mo kanina sa mansiyon," pasigaw rin ang boses niya so I could hear her too.
"Anong itsura?"
"Curly hair, sunkissed tan skin and big boobs. Best friend daw ni Deserri."
Napahilot ako sa sentido. "Ang bangis din naman ni Dad, ha? After sa isa, doon naman sa best friend?"
Akmang magsasalin na naman ng Tequila si Mudra nang awatin ko siya.
"Enough, Mudra."
Nagbukas siya ng kaha ng expensive cigar. Nakakuha na siya ng isang stick nang pigilan ko.
"Just this one, please?" pagmamakaawa niya nang iiwas sa akin ang kamay na may hawak ng stick ng cigar. "I need this, honey."
"Fine. But isa lang, ha?"
"I promise." Sinindihan niya na iyon agad at hinithit.
Umusod ako palapit sa kanya para mas marinig niya ako. "Do you know that woman's SOCMED account?"
"Yeah." Kinuha niya ang cellphone niya sa bitbit na sling bag, at ipinakita niya sa akin ang IG account ni Diana, my dad's new mistress.
"Let me see." Inagaw ko ang phone ni Mudra mula sa pagkakahawak niya. Agad niya naman iyong binitiwan.
Diana_Cheese, that was my dad's new GF's IG.
Naka-public ang profile kaya madali akong nakapag-stalk. Sa pagtingin ko sa photos ay nakita kong bata pa rin itong si Diana_Cheese. Parang mas bata pa kay Deserri. Kung hindi lang malaki ang dibdib niya ay iisipin kong high school student pa lang siya.
Marami siyang post sa profile na naka-bikini. Mukhang beach girl itong si Diana kaya sunkissed tan ang skin. She was hot. I must give her that. But one thing was for sure – just like her BFF, Deserri, she was also a gold-digger.
BINABASA MO ANG
When I First Met You
VampireYou can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form of an accident and another, by meeting Cross Gablin Vox, a stunning yet arrogant "vampire" who can...