Kabanata XXII

40.1K 3.3K 420
                                    

MASAKIT PA RIN.


Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Niloko man ako ni Cross ay hindi na mababago na naging malaking parte pa rin siya ng buhay ko, at hindi ko siya makakalimutan nang basta-basta na lang kahit gustuhin ko.


Nakasanayan ko nang lagi siyang naririto kaya sa tuwing gigising ako sa umaga ay siya agad ang hinahanap ng mga mata ko. Sa kusina, sa sala, sa entertaiment room o kahit sa mismong kwarto ko, iniisip ko na makikita ko pa rin siya. Mula nang umalis siya sa mansiyon at hindi na bumalik, naging napakahirap na para sa akin na magsimula ulit.


Mahirap talaga kapag may nakasanayan ka nang laging nandiyan para sa 'yo. Mahirap kapag wala na sa paligid mo iyong dating palaging nasa tabi mo.


Napabuntong-hininga ako. Siya kaya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Iniisip niya rin ba ako?


Namo-mroblema ba siya dahil nabuko ko na ang tunay na motive niya?


Gumagawa na ba siya ng bagong plano kung paano niya ulit mabibilog ang ulo ko? Syempre nga naman, malaking sayang kung hindi siya magtatagumpay na maagaw sa akin ang kompanya at ang iba pang ari-arian ko. Sayang rin iyong 60% na ibibigay niya roon sa babae niya, that bitch Revelyn Lockhart.


"Good job, Embry."


Napalingon ako sa nagsalita, it was Blue. Nakasunod nga pala siya sa akin mula sa gate ng university kanina.


"Talagang kaya mo na talagang makalakad kahit pa wala ang saklay mo." Kinuha niya ang bag ko sa akin at siya ang naglagay niyon sa aking upuan. "I'm sure na kaunti na lang, makakalakad ka na rin nang mabilis."


Tipid akong ngumiti sa kanya. Sana nga ay magdilang anghel siya sa kanyang sinabi.


Talagang sineseryoso ko ang mga therapies ko at nagsisikap din akong maglakad-lakad mag-isa sa mansiyon para ma-practice ang aking mga paa. Hindi rin ako lumiliban sa pag-inom ng mga niresetang gamot sa akin. Puro masusustansyang pagkain din ang ino-order ko sa isang restaurant online. Gusto ko nang tuluyang lumakas at gumaling.


Humila siya nang upuan at tumabi sa akin. Katabi ko siya dahil magkaklase kami sa subject na ito. Binuksan niya ang bitbit na bottled water at pinainom niya ako. Dahil sa nauhaw ako sa pagpipilit na makalakad ay tinanggap ko ang pagpapainom niya sa akin ng tubig.


Nagsulat ako sa aking whiteboard. THANK YOU.


Ngumiti lang siya.


"Absent pa rin kaya si Trudis ngayon?" I heard him said after a while.


Napatingin ako sa kabilang desk ko kung saan nakaupo si Trudis. Isang linggo nang absent ang babaeng iyon. Sinubukan ko siyang tawagan nang ilang beses kaya lang ay hindi siya sumasagot. Kahit maiksing text message ay hindi siya nag-aabalang magsend sa akin. Ganoon din ang daddy niya na si Tito James.


Pinag-iisipan ko na sadyain na sila sa bahay nila. Gusto kong ipaalam sa kanila nang personal na ipapa-annul ko na ang kasal ko kay Cross. I already signed the papers, at hihintay na lang ay ang pirma ni Cross. Iyon nga lang ay hindi pa nagpapakita ang lalaking iyon hanggang ngayon. 


Hindi ako nagtangkang tawagan si Cross dahil galit ako sa kanya. I just sent him an e-mail about our annulment papers that he needs to sign. Nag-reply lang siya ng "ok" sa e-mail at pagkatapos ay wala na.


Habang naghihintay ng prof ay kinuha ni Blue sa bag ko ang aking notebook. May mga isinulat siya roon na kasama sa huling lecture sa amin. Napalabi ako. Ako naman ang dapat gumagawa ng mga iyon. Paa ko lang naman at boses ang may problema, hindi ang mga kamay ko. Masyado na niya akong bini-baby.


When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon