CROSS GABLIN VOX WAS REALLY SOMETHING. He was undoubtedly and devastatingly handsome son of a gun.
Imagine? Nakuha niya agad si Deserri in just one night! Yes, in just one freakin' night!
Di ba nga, kamukhang-kamukha niya ang perfect imaginary boyfriend ko? Hindi naman sila magiging magkamukha if he wasn't that perfect. Kung may inilamang man siya sa imaginary boyfriend ko ay iyon ang kalandian.
He was good in flirting. I wasn't being judgemental here, okay? It was him who said that, sinabi niya na malandi siya talaga. Napatunayan niya naman na totoo iyon. Nagawa niya na ang pinapagawa ko. Napalabas niya na ang tunay na kulay ng babaeng gustong pumikot kay Dad.
I sent the scandal photos to my dad while I was on my way home. Hindi na ako nakapagpigil dahil sa gigil. Ang kapal ng babaeng sabihing mahal na mahal niya si Dad, samantalang bumigay siya agad kay Cross!
Noong una ay nahirapan pa si Dad na maniwala na niloloko siya ni Deserri dahil todo deny ang babae. Nagkabukuhan din dahil may mga pasa sa katawan si Deserri. Mukhang nasobrahan sa pag-a-acrobat ang babae. Isa pa sa mga ebidensiya ay ang mga naka-saved na short video sa phone niya habang nagsasarili at tinatawag ang pangalan ni Cross. Yeah, nakakadiri!
Doon na nga natapos ang lahat. Pinalayas na ni Dad si Deserri sa mansiyon namin. Hindi naman nakakaawa si Deserri noong pinapalayas siya, kasi sumisigaw pa siya hanggang sa gate na may bago na raw siyang boyfriend na mas mayaman, mas bata at mas guwapo kay Dad.
Of course, I knew that she was pertaining to Cross. Sorry na lang siya dahil hindi na nagpakita si Cross sa kanya pagkatapos.
I've asked Cross if pinaasa niya si Deserri o pinangakuan nang kung anu-ano, hindi naman daw. Simula pa lang, nilinaw niya nang he was just looking for fun, but still pumayag pa rin si Deserri na makipag-one night stand. See? Isa talagang walang kwentang babae. I was glad at nasagip ko si Dad mula sa kanya.
Everything went back to normal pagkatapos mawala ni Deserri sa buhay namin. Bumalik na si Dad sa mga business meetings niya at nakausap ko na rin si Mudra over the phone. Ilang araw lang matapos kong kumbinsihin si Mudra na bumalik ay bumalik na nga siya. Hindi na siya nagpakipot dahil mahal niya talaga si Dad.
Pagbalik ni Mudra ay ikwinento ko sa kanya na ako ang may gawa kung bakit wala na si Deserri sa mansiyon. At first, she was surprised dahil hindi niya akalaing makakagawa ako nang ganoong bagay, pero sa huli ay naunawaan niya ako. Naunawaan niya rin na para naman kay Dad ang ginawa ko.
Napabuntong-hininga ako at napangalumbaba. I should be happy now na wala nang Deserri rito sa mansiyon at nakabalik na si Mudra. I should be happy dahil iyon din ang sinabi sa akin ni Cross. Pero bakit hindi ako lubos na masaya?
Gumagana na ulit ang mga cards ko kaya dapat masaya na ako. Pero bakit nga hindi?
Bakit parang may kulang sa akin?!
Ah, baka hinahanap ng katawan ko iyong bagong kama na binili ko roon sa condo ni Cross. Isang beses ko pa lang kasi iyong nahigaan!
"Embry, look at Blue. He is staring at you again!" bulong ni Trudis sa akin.
"Yeah, whatever!" Ngumuso lang ako habang nakatanaw sa kawalan.
Dalawang subjects kasi namin ngayon ang walang professor. Wala akong ginawa kundi ang tumanaw ulit sa bintana kung saan tanaw ko ang parking. Possible kasi na mayamaya lang ay matatanaw ko na roon ang sasakyan ni Cross.
"I remember Alfred when he's staring at me," kwento ni Trudis sa aking tabi.
Binuksan niya ang kanyang lunch box at isa-isang in-unbox ang mga sandwiches na na naka-box.
BINABASA MO ANG
When I First Met You
VampireYou can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form of an accident and another, by meeting Cross Gablin Vox, a stunning yet arrogant "vampire" who can...