Caution: This "cut chapter "still contains sex and graphic depiction of violence that are not suitable for young readers and sensitive minds.
✟✟✟
IT HAD BEEN A WEEK. Nakalabas na ako sa ospital. I was totally okay now pero gusto ko pa sanang mag-stay sa ospital para mag-alala si Cross. Gusto ko siyang makita na may dalang flowers at chocolates kapag dinalaw niya ako. Sadly, walang ganoong nangyari.
Sa loob ng isang linggo ay hindi talaga siya nagparamdam. I tried calling him many times but his number was still uncontacted. Nang matanggap ko na hindi na talaga siya pupunta, nagpa-discharge na ako para mahanap ko siya.
Hindi pa ako nakakapag-paalam kay Blue na madi-discharge na ako today. After school ay dumidiretso si Blue sa akin para dalawin at alagaan ako. He was a silent type of man, but he tried his best to tell me some stories so I won't get bored. Ginagawa niya ang lahat para mapasaya ako dahil sobrang lungkot ko sa mga nagdaang araw.
I was so unfair to him dahil kahit siya ang nandiyan, hindi ko naman siya kailangan. Hindi ko siya magawang ma-appreciate sa kahit anong efforts niya dahil wala akong ibang nasa isip kundi si Cross at si Cross lang.
Me to Blue:
I'm sorry Blue, nakauwi na ako sa bahay.
Itinext ko na lang siya nang ma-discharge na ako para hindi na siya pumunta mamaya. Pinatay ko na ang phone ko pagkatapos dahil baka tumawag pa siya. Ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino ngayon, ang gusto ko lang ay makita si Cross.
Nang sunduin na ako ni Mang Chito, ang family driver, sa hospital lobby ay sumama na ako sa kanya. Bago ko itinext si Blue ay nauna ko na siyang itinext para magpasundo. Ibinilin ko rin sa matandang driver na mag-rent ng isang tinted car at iyon ang gamitin. May plano kasi ako na hanapin si Cross gamit ang kotseng hindi niya kilala.
Nang makarating kami sa subdivision ng mansiyon ay kinalabit ko si Mang Chito at ipinabasa sa kanya ang itinype kong text sa phone. HUMINTO PO MUNA TAYO.
Sakto kasi na palabas ng gate ang sportscar ni Cross. Nagningning ang mga mata ko nang malamang umuuwi pa pala siya. Nalungkot din ako nang maisip na baka umuwi lang siya ngayon para kunin na naman ang maleta niya.
"Susundan ba natin, Ma'am Embry?" tanong ni Mang Chito nang lumiko na ang kotse ni Cross.
Nagtype ulit ako sa phone ko at ipinabasa sa kanya. OPO PERO WAG PO TAYONG GAANONG DIDIKIT. Kailangan kasi ng layong limang metro para hindi mabasa ni Cross ang isip ko.
Sinundan nga ni Mang Chito ang kotse ni Cross. Kumakabog ang dibdib ko sa buong byahe. Kinakabahan ako na baka mahuli kami. Nakalampas na kami sa NLEX na hindi pa rin napapansin ni Cross.
Nang mag-stop over si Cross sa isang gasoline station ay para magpa-refill ng gas ay huminto rin kami sa kabilang gasoline station para magpa-refill din ng gas namin.
Hanggang sa bumalik sa biyahe ay hindi niya pa rin talaga kami napapansin. Weird man pero nakakatuwa dahil nasundan namin siya nang walang hirap at aberya.
BINABASA MO ANG
When I First Met You
VampireYou can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form of an accident and another, by meeting Cross Gablin Vox, a stunning yet arrogant "vampire" who can...