"DIYAN KA SA LAPAG MATUTULOG."
Inabutan ako ni Cross blanket na wala man lang kasamang kahit isang pirasong unan. Wala pa rin siyang suot na pang-itaas nang lumabas sa kwarto. Parang hindi talaga siya tinatablan ng lamig kahit triple na yata ang lamig ng AC kaysa kanina.
"Wala ka bang ipapahiram na unan sa akin?" Tinanggap ko ang blanket na inaabot niya at agad na ibinalabal sa aking katawan. Hindi gaanong makapal pero sapat na siguro para hindi ako ginawin sa magdamag.
"None," he said as he kept on knotting his thick brows and running his long fingers through his semi curly raven black hair.
Tanging black jeans lang sa pang-ibaba ang kanyang suot. Kahit simple lang ang pagkakatayo niya sa harapan ko ay para siyang modelo. Not just an ordinary model, but the one who was born to stand out and dominate the catwalk.
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kanya. Why did he have to be this ravishingly handsome? Pwede namang sakto lang, di ba?
Napaka-effortless ng pagiging guwapo niya. kaya tuloy nagkakaloko-loko ang imagination ko sa aking imaginary Cross ay dahil sa pagiging masyadong perpekto ng Cross na ito.
"What?" sita niya sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kanya.
Mabilis naman akong umiling.
Pumamewang ang kaliwa niyang kamay kaya lalo lang siyang kuminang sa aking paningin. Ikiniling niya nang bahagya ang ulo saka ako sinimangutan. "In case you're not aware, you're staring at me like you wanna eat me."
"Ha?" Napakurap ako. "Hindi, ah! Itsura mo!"
"Good! Pinayagan kitang mag-stay rito dahil hindi kita type, pero ayokong malalaman na pinagpapantasyahan mo ako, you hear?"
"Oo naman!" Inirapan ko siya. "Napatitig lang naman ako sa 'yo kasi hindi ako makapaniwalang napaka-ungentleman mo!"
"What?!" His brows furrowed again.
"E kasi naman porket sinabi kong okay na ako rito sa sala e talagang dito mo nga ako patutulugin. Ni hindi mo man lang ako inalok na sa kama mo matulog, 'tapos ikaw rito sa sala." Namewang na rin ako. "But it's okay, I understand. Mahirap nga namang matulog sa lapag kahit pa may carpet ang sahig."
"Pero sana man lang bigyan mo man lang ako ng another blanket para pangsapin ko o kaya naman foam kung meron ka riyan."
BINABASA MO ANG
When I First Met You
VampireYou can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form of an accident and another, by meeting Cross Gablin Vox, a stunning yet arrogant "vampire" who can...