Kabanata IV

56K 3.4K 795
                                    

"W-WHAT do you mean you've spent all the money?" kandabuhol ang boses ko habang nagtatagis ang aking mga ngipin. Nang makabawi ay tumayo ako at dinuro siya.


Kung kailan nasa process na ako nang paglimot sa pagmumukha niya ay saka siya muling magpapakita? Naiinis na nga ako sa aking sarili dahil naiisip ko pa siya kahit wala na siya, what more pa ngayong nagpakita na naman siya?!


Kalmante naman siyang namula sa suot na jeans. "What? Is that hard to understand? Naubos ko na nga 'yung perang ibinigay mo."


"So, kasalanan ko?" Lalo akong nanggigil sa pagmumukha niya. Parang gusto kong pisilin ang pisngi niya sa sobrang asar ko.


"It means, you have to pay me again if you want me to disappear."


"Are you out of your mind?!" asik ko sa kanya. "Ang linaw ng usapan natin, pumayag ka na sa 100K lang!"


Muli ay nakita ko ang pagngisi ng mapula niyang mga labi. "Anong gagawin ko e nagastos ko na nga?"


"It's not my problem!" Lumapit ako sa kanya at sinuntok ang matigas niyang dibdib. "At wala sa usapan natin na kapag naubos mo 'yung pera, hihingi ka ulit!"


Ahg! Nanakit ang kamaog ko sa tigas ng dibdib niya. Seriously, paano iyon? Hindi naman siya bulky, sakto lang siya, so why the hard chest?


"That's the point. Wala sa usapan natin. So pwede ulit akong humingi kapag naubos yung pera. No money, no disappearance. That's my motto of the day," sabay ngisi niya, showing his white perfect teeth to me.


Nanggagalaiti ako sa galit pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ko akalaing maiisahan ako ng talipandas na ito.


"Fine. What's your bank account number again?" Hinugot ko ang aking phone mula sa suot kong pink LV sling bag.


Para akong uto-uto na walang ibang choice kundi ang sang-ayunan siya dahil desperada ako. Baka kapag patuloy ko pa siyang makita ay matuluyan na ako sa pagkabaliw.


"Here." Kinuha naman niya ang kanyang cellphone at pinindot ang screen nito. "You should send two hundred thousand this time."


Natigilan ako sa pagtitipa sa phone ko. "What?! Bakit nadoble?"


"Ayaw mo ba?" inosenteng tanong niya.


"Of course ayaw ko!"


"All right." Tinalikuran niya ako at naglakad na siya papunta sa pinto. "See you tomorrow!"


"Wait!" Hinabol ko siya. "Fine. I will send the two hundred thousand!"


Ngumiti siya sa akin. "Good."


Bahagya akong napalunok pagkakita sa kanyang ngiti. Parang mas umaliwalas ang kanyang aura dahil sa pagkakangiti niya. Para siyang nagningning bigla sa aking paningin.

When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon