DNAF - 32, 33, 34 & 35 (The Finale)

7.8K 121 25
                                    

Pinag-sama sama ko na yung four chapters sa isang chapter. (Ano daw? Haha.) Tinapos ko na kasi ang dapat tapusin, ayoko na kasing umasa yung readers nito sa wala. Haha. 

I'm planning palang about sa Book 2 kung itutuloy ko o hindi. Hindi kasi mashadong naipakita yung mga Twist at Revelations dito kaya dapat talaga merong Book 2. 

Basahin niyo ito at sabayan ng "A Thousand Years" Promise, mafe-feel niyo ang last chapters ng bonggang-bongga! Hahaha.

---------------

Daniel's POV

Natapos na ang masayang araw naming lahat. Natapos na ang party namin. Kaya siguro, ito naman na ang time para mag-paalam sa isa't-isa. JOKE! Hindi kami pwedeng magpa-alam sa isa't-isa, dahil itong gaganapin ngayon ay ang simula pa lang ng aming umpisa. Umpisa pa lamang ng bagong kabanata sa isang buhay ng estudyante. 

Nahuhulaaan niyo na ba kung ano ang mga pinagsasasabi ko? Hahaha. Graduation practice kasi namin ngayon.

At exactly 8:00 AM, nandito na lahat ng graduates sa quadrangle para sa practice.

Hulaan niyo sino Valedictorian..

Edi si Kath. Haha. Tali-talino nun, ang ganda ganda pa.

Eto, hulaan niyo naman sino ang Salutatorian..

Clue: Hindi ako. Hindi si Seth. Hindi si Lester.

Hahahaha. Wait sasabihin ko na... Si Katsumi! Haha. Akalain niyo yun, siya ang Salutatorian eh samantalang puro kalokohan nasa isip nun. 

First Honorable si Seth at kami nina Lester at JC nasa honor roll naman.

Siyempre, dahil practice nga, wala kaming ibang ginawa kundi mag-practice tumayo, umupo, kumanta ng graduation song, at mag-Pledge of Loyalty.

Hindi pa nga nagpa-practice ng speech si Kath at Kats eh, si Kath siguradong maayos ang sasabihin nya, eh si Kats? Puro kalokohan yan panigurado.

Break time ngayon, hulaan niyo sino kasama ko.. Hindi tropa ko, hindi rin classmates.

Kasama ko ang girlfriend ko.. si Kath. Sinagot na ni Lord mga dasal ko. Haha. Kaya ganto ako kasaya ngayon, last month niya pa ako sinagot, mga 2 weeks after ng closing party. 

"Kath.. Ano gusto mong bilhin? Nagugutom ka ba?" 

"Wag na.. busog pa ako, tsaka umaga pa lang naman ah? Kakakain pa lang ng agahan."

"Nagce-care lang ako sayo, boyfriend mo na ko ngayon." sabay smile ko sa kanya.

"Hahahaha. Ikaw talaga. Kaya mahal na mahal kita eh." sabay pisil niya sa ilong ko.

Kinilig naman ako. Hahaha. "Ikaw din, ang ganda at ang bait mo, kaya mahal na mahal kita eh." sabay pisil ko naman sa cheeks niya.

Definitely not a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon