DNAF - Twenty-two

9.1K 107 17
                                    

Definitely not a fairytale - Chapter 22

---------------

JULIA'S POV

Waaa! Alam niyo bang Saturday ngayon? Hahaha! Pupunta kami sa bahay nila DJ at Kath ngayon eh, kasama si Khalil at Diego, psh nakakainis na  yun e bakit ba kasi kailangan pa siyang kasama?! Oo, sabagay kasama kasi siya dito sa Project e, pero si Kath at Khalil yung nag-ayos, pero hindi pala kasama si Daniel dito sa group activity namin. 

Nag-aayos na ako, susunduin nalang daw ako nila Diego at Khalil maya-maya. Naka-blouse at short lang ako, then dala dala ko lang yung mga gagamitin namin mamaya para sa project. Nang matapos na ako gumayak, umupo nalang muna ako sa couch namin.

*tok tok*

Baka nandiyan na sila, bubuksan ko na yung pintuan namin at magpapalaam na ako kay Manang.

"Hello Julia! Tara na" - Nandito na pala sila e, si Diego at Khalil masayang naka-ngiti sa akin, anong meron?! Hahaha

"Tara na, dala dala nyo na ba yung mga gamit para sa project? Mamaya may mga nakalimutan kayo ah, naku lagot kayo kay Kath." - Paloko kong sinabi sa kanila. Hahaha

"Dala na namin lahat, tara na pumasok na tayo sa kotse nang maaga tayong makarating kila Kath." -

Sumakay na kami ng kotse, habang ako kumakain ako ng piattos, si Khalil naman may binabasa na libro si Diego naman,  nag-tetemple run mag-isa, well sabagay pang-isahan lang naman yung temple run e. Hahaha. 

Nang makarating na kami sa bahay nila Kath, nag-doorbell na kami.

KATHRYN'S POV

*tok tok*

"DJ! Nandito na sila! Dali na, bumaba ka na diyan! Wag ka nang tamad!" - Si DJ kasi e, ayaw pang kumilos, ayaw pang maligo, hindi pa kumakain, nandoon siya sa kwarto namin, nakahilata pa rin hanggang ngayon, kanina ko pa kinukulit pero ayaw magising, antok na antok daw siya, nakakainis tuloy

Binuksan ko na muna yung pintuan.

"Hello Best!" - Sabay beso sa akin ni Julia, parang kahapon lang kami huling nagkita, miss na agad?! Agad agad?! Hahaha

"Hello Kath. Si DJ?!" - Tanong sakin ni Diego

"Ah, nandon sa taas, puntahan mo, ayaw pang lumabas sa kwarto eh, tinatamad pang bumangon, gisingin mo nga." - Tumakbo na paakyat si Diego sa kwarto namin

"Hi Kath." - Sabay ngiti ni Khalil sa akin

"Uhm, hello, tara na pasok na kayo, umupo nalang kayo sa couch kukuha lang ako ng juice." - Nag-nod lang sila pareho sabay ngiti

Kaming tatlo lang nandito sa sala, nasa taas pa si DJ at Diego, gising na kaya yung hari doon?! Psh

Definitely not a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon