DNAF - Seven

11.6K 132 4
                                    

Definitely not a fairytale - 7

---------------

KATHRYN'S POV

Salamat naman at natapos ko na itong ginagawa ko sa School! Salamat Lord! Siya nga pala, nandito ako ngayon sa bahay, kasama sila Yaya at Manong nagluluto si Yaya sa kusina ng dinner tapos si Manong naman nililinis yung kotse, at ako? Nanunuod ng T.V sa sala, ayaw naman ako ni Yaya tumulong sa gawain sa kusina e, magpahinga nalang daw muna ako dahil mukha daw akong zombie paguwi ko kanina. Hahaha! Nanunuod ako ng Impeachment trial ni CJ Corona ngayon sa TV Patrol. Hahaha! 

Nang matapos na ni Yaya yung niluluto niya tinawag na niya yung iba pang katulong pati si Manong, tinulungan ko na rin si Yayang maghain ng mga plato. Ang ulam namin ngayon ay....Nilagang Baka, Sinigang na Baboy, Adobo at ang paborito ko sa lahat ang TINOLA! Yehey! Siyempre may kasamang mainit at masarap na Kanin na nilagyan ng Knorr Rice Mate. Tapos nagbukas din ako ng Pineapple juice para masarap ang kain naming lahat. 

Pagkatapos naming kumain, tutulong na sana akong maghugas ng plato kaso wag nalang daw. Hahaha. Pumasok nalang ako ng kwarto ko dahil wala naman na pala akong gagawin, inayos ko nalang yung gamit ko para bukas sa School dinala ko na yung USB ko dahil nga may aayusin pa pala ako sa Computer bukas sa School, aarange ko yung mga sinulat ko kanina.

Bago ako matulog, nagbasa muna ako nung libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAko. Favorite ko yun e. Haha! Hanggang sa makatulog na ako.

---

Next Day (School)

Pagpasok ko ng School, pumunta nako kaagad sa School Publications Club para kuhanin yung mga sinulat ko kahapon. Aayusin ko na sa Computer Laboratory.

Nakuha ko na yung mga papel na ginawa ko kahapon umakyat na ako sa Computer Laboratory

Sakto magisa ko lang dito sa Computer Laboratory, walang tao busy kasi sa ginagawa nilang mga Extra Curiccular. Binuksan ko na yung computer na pageeditan ko nung ginagawa ko nang may pumasok sa Computer Laboratory..................Si Khalil yung pumasok

Napatingin ako sa pinto at nagulat naman siya dahil nandon ako. "Oh Kath, nandito ka pala?" - 

"Oo, inaayos ko kasi yung ano.....yung ano ko kahapon, yung sinulat ko." - 

"Ah, ako din kasi, may gagawin ako dito, may inuutos si Ma'am e." - 

"Ahh. Sige gawin ko muna to." - Nod nalang ang sagot sakin ni Khalil

Sa tabi ko siya umupo para din may kausap ako dito para hindi boring. Tahimik lang kami pareho, walang nagsasalita walang naguusap nakakabingi nga yung katahimikan e. Anyare?

Dahil walang nagsasalita, ako nalang ang magsasalita. "Khalil, nasaan si Julia?" -

"Nandoon siya sa ano.... sa Library may ginagawa din." - Bakit parang naiilang to sakin? Kahapon naman ang ayos ayos namin ah, anong nagyare? Hala. Matanong nga

"Uhm. Khalil may problema ka ba?" - Tinanong ko siya habang nagpipipindot lang ako sa computer kahit wala naman akong pinipindot.

Definitely not a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon