DNAF - Thirty

6.8K 101 18
                                    

Definitely not a fairytale - 30

---------------

DANIEL'S POV

Hay. Mukhang marami-rami akong liligpiting pinagkanan nila.

Magiging House husband ako ni Kath. Haha.

At dahil makalat kumain ang mga tropa ko, ang dami kong kailangang itapon sa basura na mga kalat.

Inilagay ko na lahat ng mga kalat sa pinagkanan nila nang bigla naman talaga ako minalas.

"Ah P*nyeta naman talaga oo oh!" napasigaw ako mag-isa dito.

Natapon kasi yung mga tinatapon kong kalat sa basurahan kaya kailangan ko nang itapon sa trash bin sa labas.

Habang papalabas ako, at sa pangalawang pagkakataon ng aking kamalasan, nadapa ako at napahiga sa sahig.

Bwisit naman talaga. Double Kill na ako.

Leche. Sino naman kasi ang kumain ng balat ng saging dito?! Siguro yung unggoy na si Katsumi nanaman.

Sinigurado ko na wala nang maiiwang kalat dito at baka ikamatay ko na. Haha.

Lumabas na ako sa pinto at halos mahimatay ako sa nakita ko.

Si Mycko..Kayakap si Kathryn. Kayakap niya ang babaeng nagpatibok ng puso ko.

Biglang may naramdaman akong kakaiba kaya naman agad akong kumaripas ng takbo at susugurin ko sila.

"WALANG HIYA KA!! ANONG GINAGAWA MO KAY KATH?!" umakma na akong susuntukin ko pero nakailag si Mycko.

"W-Wala yun pare! Nag-papaalam lang ako kay Kathryn." 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sinuntok ko na ulit siya at yun naman ang dahilan ng pagtumba niya.

"ANO BA DANIEL?! TUMIGIL KA NA NGA! WALANG GINAGAWAG MASAMA SI MYCKO." 

Hindi ko pinapansin si Kathryn. Ayaw kong madamay pa siya dito.

"HOY! ANO?! SINASABI KO NA NGA BA E. MAY TINATAGO KANG KULO. TINURING PA NAMA KITANG KAIBIGAN. TAPOS ETO LANG ANG ISUSUKLI MO!? WALANGYA KA!" 

Binuhat ko siya gamit ang damit niya.

Pinipigilan ako ni Kath pero hindi ko magawang pigilan.

Eto siguro yung tinatawag nilang Pagmamahal.

Yung ayaw mong may ibang magmay-ari sa taong Mahal mo.

"Sige na Mycko! Umalis ka na. Baka masaktan ka ulit, Pasensya ka na." 

Definitely not a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon