Definitely not a fairytale - Chapter 4
---------------
KATHRYN'S POV
Nagdidisscuss si Miss ngayon tungkol sa Religion yung mga kaklase ko naman halatang walang kainteres-interes sa subject na ito. Pati Religion subject kinatatamaran na rin. Ang top 10 lang ng klase ang palaging nakikinig at nagrerecite e. Naghihintay lang naman ng Recess tong mga kaklase ko e.
At ayun na nga nagbell na takbuhan na palabas ng Classroom tong mga kaklase ko. Ako? Nasa upuan lang, hindi ako bababa ng Canteen para kumain paniguradong aasarin lang ako ng mga tao dun e. Magsstay nalang ako sa loob ng room magbabasa ng libro.
Nilapitan ako ni Julia
"Kath, hindi ka ba bababa?" - Tanong niya sakin
"Hindi na aasarin lang naman ako ng mga tao dun e. Mas mabuti nang manahimik nalang ako." - Sagot ko
"Sige, bababa lang muna ako. Hintayin mo ako ah." - Paalam ni Julia at nagnod nalang ako lumabas na siya ng room bumalik na lang yung tingin ko sa librong binabasa ko. Ako lang magisa dito sa Classroom, tahimik nga e.
May lumapit sakin
"Kath." - May tumawag sakin at pagkalingon ko si Daniel. Haaaay, mangaasar nanaman to, hindi nga ako bumaba para hindi ko ito makita e. Susuntukin ko na mukha nito kapag binully ako nito
"Ano nanaman kailangan mo ha?!" - Sabay sara ng libro at tumayo ako. Pero pinaupo niya ulit ako at lumapit sakin tapos hinawakan niya yung likod ko at tinapik tapik sabay sabi ng "Pasensya ka na." - Yun lang sabay labas ng room. Bat naman magpapasensya yun? Tsaka yung pagpapasensya niya lumalabas sa butas ng ilong e. Sa madaling salita, hindi siya sincere, so hindi totoo yung paghingi niya ng pasensya sakin. Tss. Hayaan ko nalang yun.
Pero
"Kathryn!" - May tumawag ulit, parang pamilyar ang boses. Nararamdaman ko na lumalapit siya sakin.
Tumingin ako. Si Khalil. "Bakit?" - Tanong ko
Lumapit siya sakin at
"Kathryn, may dinikit na *KICK ME* sa likod mo." - Si Daniel nanaman may gawa nito, kaya pala hinawakan niya yung likod ko. Sabi na e!
"Hay. Kaya pala may hinawakan niya kanina yung likod ko at nagkunwareng nags-SORRY." - Sabi ko kay Khalil at tumabi siya sakin
"Kath, hindi ka ba nahihirapan sa mga ginagawa nila sayo?" - Tanong niya
"Siyempre, nahihirapan at nasasaktan ako. Palagi nalang e." -
"Panigurado ako, pagbabayaran nila tong ginagawa nila sayo. Lalo na yang Daniel na yan." - Sabay ngiti ko sa kanya at ngumiti din siya sakin
"Salamat Khalil!" - Sabay yakap ko sa kanya. Nagulat ako sa ginawa ko at halatang pati siya nagulat sa ginawa ko kaya naman napakalas ako
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...