Definitely not a fairytale - Chapter 23
---------------
KHALIL'S POV
Pinag-break muna kami ni Miss para mag-recess, pero hindi pa kami nakakatapos doon sa experiment. Kasama ko ngayon si Julia, kumakain kami sa canteen, nagke-kwentuhan lang kami dito habang hinihintay mag-bell, pero inutusan niya ako na kuhanin yung bag niya sa Lab naiwan niya kasi.
"Uy, pakuha naman nung bag ko sa Lab, naiwan ko kasi e, nakapatong doon sa experiment table number 7." -
"Sige, teka lang aakyat na ako, diyan ka lang ah." -
Umakyat na ako sa Laboratory namin, gaya ng sabi ni Julia kuhanin ko daw yung bag niya sa experiment table number 7.
Pero nagulat ako sa narinig ko at parang nadurog yung puso ko sa narinig ko, sumilip lang ako dito para hindi ako mahalata na nakikinig.
"Kath. I LOVE YOU." -
Huh? Boses ni Daniel yun ah, pero kanino naman siya nagsasabi ng I LOVE YOU?
"ANO? Hindi pwede yan, mga bata pa tayo." - Kath?! Halos maluha na ako dito, may gusto si Daniel kay Kath? Hindi ko namalayan na tumutulo na yung luha ko dito habang nakikinig lang sa usapan ko, parang nabasag, dinurog at pinukpok itong puso ko, hindi ko na talagang mapigilang umiyak.
Pero pumasok pa rin ako para kuhanin yung bag ni Julia, kahit mahalata ni Kath na umiiyak ako, wala akong pake.
"K-khalil? K-kanina ka pa ba nandiya-an?" - Tinanong ako ni Kath kasi bigla nalang akong pumasok at halatang kanina pa nga ako nandito
Tumingin lang ako sa kanilang dalawa at parang wala lang nangyari, pero tapos nun, ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa na parang walang nangyare at sinabing
"Hehe. Masaya ako para sa inyo." - Pilit ang ngiti ko at halatang umiiyak ako, naiiyak na rin si Kath pero alam niyang narinig ko yung usapan nila kani-kanina lang
"P-pero K-khalil--" - Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil bigla nalang akong tumakbo papalabas ng Laboratory at agad akong bumalik sa Canteen at ibibigay ko na kay Julia
Nasa Canteen na ako at si Julia nandoon kumakain pa rin, nang mapansin niyang namumula yung mata ko
"Ui, anong nangyare sayo? Umiyak ka ba?" - Tinanong niya ako at huminto muna ako panandali bago sabihin ang nangyare
"E kasi, kanina nung nagpunta ako ng Laboratory, narinig kong naguusap si Daniel at Kath, then tapos nun, nagsabi ng........" - Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil bigla namang tumulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon
"I LOVE YOU? MAHAL KITA? Hay sabi na eh, lahat naman tayo nasasaktan e, wag ka magalala, malalagpasan mo din yan, hindi ko nga lang alam kung kailan." -
Umiiyak pa rin ako ngayon, pagkatapos sabihin yan ni Julia, lumabas na ako ng School at pupunta sa lugar kung saan magandang magisip isip.
Naglakad nalang ako papuntang Park na palaging tahimik, dito ako palaging nagiisip-isip. Habang naglalakad ako dito, biglang may tumawag sa pangalan ko
"Khalil." - Lumingon ako sa nagsalita, si Kath pero bakit siya nandito? Tumingin lang ako sa kanya at binalik ko ulit yung tingin ko doon sa kawalan
(PLAY THE VIDEO AT RIGHT TO FEEL THE STORY --->)
"Bakit ka nandito?" - Hindi ko naman siya matiis na hindi pansinin dahil nga Mahal ko DIN siya
"Wala, dito ako nagpupunta kapag may problema ako." -
"Bakit? Ano namang problema mo? Mukha ngang wala e, nagtapat naman na ng nararamdaman si Daniel sayo kanina." - Nakatingin pa rin ako sa kawalan ngayon, at napansin kong umiyak na din pala si Kath at medyo lumapit sa akin at niyakap ako at nagsimula nanaman ang pagpatak ng mga luha ko
"*huhu* K-khalil *sob* sorry na, wag ka magalit sa akin *sob* mag kaibigan tayo diba?" - At dahil diyan, naiyak nanaman ako dahil sa sinabi niyang MAG-KAIBIGAN lang kami
*sniff* "Haha. okay lang yun, kalimutan na natin yun. *sob*" - Oo kahi sobrang sakit, kailangan nating tanggapin na hanggang kaibigan lang kami. Nagwalk out na ako at magpapakalayo-layo muna ngayon. Sobrang sakit lang talaga ng naramdaman ko ngayon.
KATHRYN'S POV
Umuwi ako ng bahay na walang gana, ang daming nangyare ngayon, may nasaktan at may naglabas ng nararamdaman. Hay nako ewan ko ba! Bahala na.
Dumating ako dito sa bahay at nandito na si DJ, nanunuod ng TV hindi kami nagpapansinan dito, umakyat nalang ako sa kwarto at nagpalit ng damit, hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon, may sakit may saya may lungkot may hapdi. Hay ewan ko ba! Pero nung sinabi ni DJ na mahal niya ako, parang may naramdaman din akong spark. Hay ewan ko.
*tok tok*
"..Kath?" -
---------------
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...