Definitely not a fairytale - Chapter 13
---------------
KHALIL'S POV
Nahihiya na ako lumapit pa kay Kath tungkol dun sa nasabi ko kahapon. Nahihiya ako sa kanya, kasi naman bakit nasabi ko pa yun? Baka magalit siya sakin, mailang or hindi na niya ako pansinin sa pasukan, buti nalang at bakasyon, baka makalimutan niya yung sinabi ko.
Nandito pa rin ako ngayon sa School, nakatunganga ako sa may bench dito, nakatingin lang ako sa kawalan nang may tumabi sa kin.
"May problema ka ba?" - Sino naman 'to?
Pagtingin ko isang babae
"Oo eh." -
"Ah, pareho pala tayo, kapansin-pansin kasi sa mukha mo na may problema ka eh." -
"Eh, ano bang pangalan mo?" - Tiningnan niya ako pero ngumiti siya
"Ako si Zharm." - Huh? Yung ex ni Daniel?
"Diba, you're the?---" - Pinutol niya yung sasabihin ko
"Yes I am." - Sabay ngiti niya
"Ano nga palang problema mo?" -
"Si Daniel kasi, mahal ko pa siya, ayokong mahal ko pa siya lalo lang kasi akong nasasaktan eh, gusto ko maghanap ng mapagpapasahan ng pagmamahal na meron ako kay Daniel, so it means, gusto ko may iba nang magmahal at mamahalin niya." -
"Si Daniel pa! Eh mabilis makahanap kaagad ng pamalit yun." -
"Khalil, marami na si Daniel na naging Girlfriends pero wala siyang sineryoso at isa na ako dun. Gusto ko yung tunay na mamahalin niya at mamahalin siya katulad ng pagmamahal ko sa kanya." -
"Ahh, sana nga makahanap ka na ng kapalit mo." -
"Eh ikaw, ano namang problema mo?" - Sasabihin ko kaya?
"....Umamin ako sa isang babae na---" -
"Na Mahal mo siya?" - Nahuhulaan niya talaga ang nasa isip mo. Hahaha!
"Oo, pero natatakot ako na baka hindi na niya ako pansinin next school year eh, tsaka baka hindi na kami ulit magusap" -
"Ano ka ba? Napapansin ko na mabait yung babaeng yun. tsaka maghintay ka kasi and don't think negative, Okay?" - Nagthumbs-up nalang ako sabay tayo na niya at umalis sa kinauupuan niya, at ako naiwang magisa dito.
HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO, ITUTULOY KO NA LANG ANG PAGMAMAHAL KAY KATH.
KATHRYN'S POV
Excited kami ngayon dahil ngayon na ang flight namin papuntang States tsaka makikita na rin namin sila Mommy at Tita. Nakaempake na pala yung mga gamit namin ngayon, naliligo pa lang si Julia at ako nagbibihis na. Nang matapos na si Julia magayos, hinintay muna namin dumating yung driver na pinadala ni Mommy para sa min.
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...