Definitely not a fairytale - Chapter 23.1
---------------
DJ'S POV
"..Kath?" - Kumatok ako sa pintuan ng room namin, gusto ko sana kausapin si Kath tungkol sa kanina, hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko kapag may araw na hindi ko siya nakakausap
"Bukas yan." - Sumagot naman si Kath at dahan-dahan kong pinihit ang door knob
Nag-lakad lang ako ng dahan-dahan papunta malapit sa may table doon, nakaupo kasi sa may study table niya, nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kay Kath, nagbabasa lang siya ng libro at halata namang hindi siya nagbabasa nakatitig lang sa libro.
"Anong ginagawa mo dito?" - Bigla akong nagulat nang tanungin niya ako na parang galit siya sakin
"Gusto ko lang mag-sorry dun sa nasabi ko sayo kanina lang, pati na rin kay Khalil, ako ang dahilan kung bakit siya nagalit sayo." -
"Ahh, so ibig sabihin binabawi mo na yung sinabi mo kanina sa Lab?" -
"H-hindi. Totoo yung sinabi ko sa yo, totoo yun Kath..I-I Love you K-kath." -
Tumayo siya sa harapan ko at tinitigan ako ng diretso na halos magkalapit na ang mga pisngi namin, hindi ko naman maiwasan na titigan din siya ng maigi, parang natetempt naman ako na halikan itong babaeng mahal ko. Waaaa! Mahal ko talaga si Kath.
Hanggang ngayon tinititigan niya pa rin ako, hindi na kami gumagalaw sa itsura namin ngayon, masyado kasi talaga kaming malapit sa isa't-isa.
Nanginginig na ako dito at parang mawawala na yung buto ko sa tuhod.
Tumingin sakin si Kath na parang may gusto siyang sabihin. "D-DJ, MAHAL MO BA TALAGA AKO? *sniff*" - Umiiyak si Kath? Bakit naman siya nagtanong ng ganun, oo mahal ko siya, totoo ang sinasabi ng puso ko.
*sigh* "Kath, oo Mahal kita, simula pa NOON. Kaya wag ka nang umiyak, totoo ang pagmamahal ko sa yo Kath." -
KATHRYN'S POV
Mahal nga talaga ako ni DJ.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Para bang sasabog yung puso ko dahil sa.....KILIG?
Pero bakit parang....MAHAL KO DIN SIYA?
"Anong ibig mong sabihing NOON DJ?" - Bigla kasing napuno ng tanong sa utak ko nung sabihin niyang simula pa NOON, para bang may mahalagang kahulugan iyon?
Huminga muna siya ng malalim at umupo kami sa kama. *sigh*
"....IT ALL BEGAN" -
---------------
NEXT CHAPTER : DANIEL'S SPECIAL CHAPTER
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...