Definitely not a fairytale - Chapter 28
---------------
KATHRYN'S POV
"Class...You'll be having a new classmate."
Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.
Sabihin na nating nagulat din ang mga kaklase ko, pero mas nagulat ako.
Si MYCKO.
Si Mycko ang Ex-Boyfriend ko noon.
[PICTURE OF MYCKO AT THE RIGHT SIDE. HE WAS ALSO A PARKING 5 FORMER MEMBER IF I'M NOT MISTAKEN.]
Kilala kasi siya sa pinakasikat noon noong First year kami. Siya rin ang dahilan ng pagiging Nerd ko. Siya ang pinaka-gwapo, matalino, mayaman, at sikat..Marami nang nagulat sa nakita nila dahil tatlong beses ngayon ang ka-gwapuhan niya simula noon.
Hanggang ngayon, nganga pa rin kaming lahat except kay Daniel na walang kaalam-alam.
"You may introduce youself to the class.." sir Val.
"Hello. I'm Mycko Evangelista. 17 years old. From St. Columban's Academy." Mycko. Sabay ngiti sa aming lahat na naka-nganga. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti ng nakakamatay. Oh God.
"Welcome Mr. Evangelista. God Bless you, you may now seat beside Ms. Bernardo's seat." Oh God. Kailangan sa akin?! Nahihiya ako sa kanya e.
Nakita kong tumingin si Daniel sa akin at ngumiti. May laman yung mga ngiting yun ni Daniel. Alam niyang wala namang masama kung tumabi si Mycko sakin.
Natapos na yung experiment namin kaya bumalik na kami sa kanya kanyang upuan. Siyempre, nakaupo na agad si Mycko, hindi naman siya nag-experiment diba?
Nagkaroon kami ng pagkakataon upang ayusin ang mga gamit na ginamit kanina, kaya inayos ko na muna yung laman ng bag ko, pero sa kamalas-malasan naman talaga, nahulog yung Math notebook ko na naglalaman ng maraming papel.
Pupulutin ko na sana yung mga papel pero nagtagpo ang kamay namin ni Mycko.
"A-Ay. S-Sorry. Hehe. Tulungan nalang kita" Mycko. Sabay kuha ng mga papel.
"S-Salamat." nabubulol ako. Shocks lang. Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman dapat ikaba. Aish Kath.
Natapos na niyang pulutin lahat ng mga papel na nakakalat sa sahig. Kaya naman agad niya itong inabot sa akin.
"S-Salamat Mycko.." yan nalang ang nasabi ko sabay iwas ng tingin.
"W-Wala yun.." oh diba? Ang liliit ng mga sagot namin sa isa't-isa.
Naupo na ulit kami at nag-start nang mag-discuss si sir Val ng Physics.
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...