DNAF - Five

12.7K 140 6
                                    

Definitely not a fairytale - Chapter 5

---------------

DANIEL'S  POV

Pagtapos ng klase namin bumaba kaming sabay ni Zharm sa hagdan. Ihahatid ko lang to sa bahay nila babalik ako ng School ayoko pa umuwi ng bahay wala naman akong gagawin dun e. Walang kwenta mga kasama ko dun, mga katulong lang at driver, nasaan mga magulang ko? Nasa France nagbabakasyon tsaka may inaayos sila doon. 

Nandito ako sa bahay nila Zharm, pinaupo niya muna ako siyempre alangan namang hindi? E galing nga kami sa biyahe galing sa school. Wala ding tao sa bahay nila. Pinainom niya ako ng juice sabay tumabi siya sakin.

"Hey Babe! Why aren't you talking to me?" - Nagtanong nanaman tong babaeng to. Tch

 Lumapit pa siya ng konti sa akin.

 "Hey! Daniel! Babe!" - Sabay hawak sa mukha ko. Nanunuod kasi ako ng T.V e

 "What?!" - Nakatingin pa rin ako sa T.V pero wala naman akong naiintindihan

 "Kanina pa ako nagsasalita dito ngayon ka lang sumagot, ano bang nangyare?!" - Tanong niya sakin. E kung breakin ko kaya to? Naiinis na ako e. Muntanga e

 "Wala wala!" - Masungit kong sagot at inalis yung kamay niya sa mukha ko

 "I just want to have fun with you tonight! Wala namang tao dito sa bahay e." - Ayoko. Hindi ako ganun kadali no. Isa pang dada nito, sasapakin ko na to. Naiinis na talaga ako

"No. Ayoko." - Masungit kong sagot, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya

 "Aww. Baaaabeee. (Umupo siya sa hita ko at hinimas ang mukha ko)" - Sasapakin ko na talaga to! Sabing ayoko e, tsaka hindi ko siya Mahal okay?!

 "Stop this Zharm!" - Tumayo na ako at sinigawan siya at nagulat naman ang mukha niya

 "Don't you Love me Daniel? I just want to have fun tonight. Magbabakasyon naman na e." - Sabi niya sakin. 

 "No! I don't love you Zharm and I never Love you! Break na tayo okay? Ts." - Bahala siya diyan kahit masaktan diyan, Wala akong PAKE! 

 "How dare you Daniel!" - Sinampal niya ako pero lumabas nalang ako ng bahay nila. I deserve it.

 Sumakay na ako  ulit ng kotse, badtrip tong babaeng to e babalik nalang ako ng School. Pampawala ng badtrip. Nagdrive na ako papuntang School.

Pinarada ko muna yung kotse ko, siyempre alangan namang ipasok ko sa loob diba? Hahaha. Joke. Tinatawagan ako ni Zharm pero hindi ko sinasagot, bahala siya sa buhay niya! Tch. 

 Pupunta muna ako ng CR naiihi ako e bat ba?! Hahaha. Pupunta na nga ako. Paglabas ko ng CR may naririnig akong nagsisigawan sa may Storage Room. Makausyoso nga. Pumunta ako dun at nakita ko yung 2nd year Student na trasferee at si...NERD?! Ano namang ginagawa nila dito? May mga lalake pa. Wala naman akong magawa kung hindi ipagtanggol sila sa mga lalaken yun.

Definitely not a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon