Definitely not a fairytale - Chapter 2
---------------
Kathryn's POV
Umuwi na ako ng bahay. Hindi na talaga ako papasok. Malamang nasa bahay na nga e. Hahaha. Papagawa nalang ako ulit ng salamin. Tetext ko nalang yung doctor ko na pupunta ako ngayon sa clinic niya, papagawa ulit ako ng salamin. Wala sila Mommy dito sa bahay, Nasa States sila, may inaayos na business doon. Sila Manang Cecil lang andito kasama ko.
"Wala ba kayong pasok ngayon?" - Tanong sakin ni Manang Cecil.
"Wala na po. May meeting po yung mga teachers e." - Oo, nagsinungaling ako. Ayokong sabihin na binully ako
"Oh e nasaan ang salamin mo?" - Tanong niya ulit
"Nabasag po e. Nag PE po kasi kami kanina kaya ayun, nabasag po." - Kasinungalingan srikes again! Hahaha. Ayoko talaga sabihin yung totoo
"Ah Sige. Mamamalengke lang ako dito lang ikaw ha." - Nod nalang ang sagot ko kay Manang Cecil
Pumasok ako ng kwarto ko. Ano kayang gagawin ko? Ano pa nga ba? Edi magbabasa ng Books. Palagi naman e. Kapag wala akong assignment. Paguwi ko, yun ang gagawin ko sa bahay. May kwarto na nga yung mga libro ko sa bahay e. Hahaha. Tetext ko nga pala si Dra. Lina, siya ang may ari ng Optical Clinic.
To : Dra. Lina
Good Afternoon Dra! Si Kath po eto. Papagawa po sana ako ng isa pang eyeglasses, nabasag po kasi yung una ako e. Pupunta po ako diyan mamaya. mga 4:00 pm po. Thanks!
Message Sent
Habang wala pang 4:00 pm. Naligo muna ako at nagayos ng itsura, kahit anong ayos naman ang gawin sakin, pareho lang ang kalalabasan e. Hahaha. Tapos nun, ginawa ko na yung Class Project namin, kanina pa ba kayo nagtataka kung ano yung Class Project namin? Pinapagawa lang naman ako ng Powerpoint para sa Section namin, at Mga ididikit sa bulletin board. Konti lang pero mahirap gawin.
4:00 pm
Nandito ako ngayon sa kotse. Papuntang Clinic ni Dra. Lina. Pinagdadrive ako ni Manong.
"Ma'am nandito na po tayo." - Sabi sakin ni Manong.
"Ah nandito na pala ako. Sige Manong. Sunduin mo nalang po ako ulit mamayang 6:00 pm. Thank you" - Sabi ko sabay ngiti naman ni Manong at umalis na yung kotse. Pumasok na ako sa loob ng clinic ni Dra. Lina. At ayun na nga pumasok na ako sa loob ng clinic niya. Andun naman siya.
- FAST FORWARD -
Nandito na ako sa bahay, pinagpapatuloy ko yung Class Project namin habang kumakain ng Pancit Canton na tatlong packs. Takaw no? Hahahaha.
Nang matapos ko na gawin yung Class Project. Inantok na din ako. Pinalaba ko kay Manang Cecil yung uniform ni Julia, isosoli ko na sa kanya bukas. Hindi kaya ako matagal magbalik. Hahaha.
Bumaba ako ng kwarto ko.
"Manang Cecil, pakilagay nalang po sa binili ko na paper bag yung uniform ha. Thankyou po." - Bumili ako ng bagong paper bag. Nasira na yung paper bag na pinaglagyan nun, tsaka nakakahiya kaya na yun pa rin yung gamitin ko. Ako na mayaman! Hahaha Mayaman nga kami.
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...