Definitely not a fairytale - Chapter 26
---------------
KATHRYN'S POV
" I LOVE YOU DANIEL." - wala na, hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Mahal ko na talaga si Daniel. Inaamin ko na yun, mahal ko siya. Pero hindi ibig sabihin nun, sinasagot ko na siya.
"Ano sabi mo K-Kath? M-Mahal m-mo ako?!" - Daniel. Hindi rin siya makapaniwala.
"Sabi ko..MAHAL KITA, I LOVE YOU sa English." - sabay tawa ko sa kanya.
"MAHAL DIN KITA!! I LOVE YOU KATHRYN CHANDRIA BERNARDO!" - sabay yakap niya sakin ng mahigpit, yung halos hindi na ako makahinga. Hahaha!
"Kailan mo ba ako sasagutin?" -
"Nagmamadali ka ba? Grabe. Hindi naman agad agad no." - sagot ko sa kanya at mukha naman siyang nag-pout.
"Hindi na ako makapaghintay Kath. Naatat ako eh. Haha! Basta akin ka lang ah, wala nang makakaagaw. Subukan lang nila." -
"Oo na, hintayin mo nalang ang tamang panahon.." - nagtaka siya sa sinabi ko.
"Kailan naman yang tamang panahon na yan?" -
"...Basta.." -
DANIEL'S POV
"Oy. Alis na ako, male-late pa ako sa kanila. Buh-bye!" - aalis si Kath, shopping daw sila ni tita Min at tita Ana (Julia's mom) kasama rin si Julia, siyempre ayokong sumama, all girls sila at girl talk alangan namang makigulo ako doon, baka sabihin nilang bakla ako. Haha.
Pinapunta ko nalang ang P5 sa bahay, wala kasi akong kasama dito eh, wala rin yung bratinelang si Bea, nag-date kasama yung boyfriend niyang kakasagot niya lang kahapon.
Hinihintay ko dumating ang P5. Nanunuod muna ako ng T.V wala kasing magawa. Haha.
Maya-maya may narinig akong kumatok sa pintuan, baka nandiyan na ang P5.
Pagbukas ko...
"HELLO! Nasaan si Kath?" - si Bea. Dumating na siya kasama yung boyfirend niya na mukhang tanga.
"Umalis siya, magsho-shopping daw sila ng mama niya. Bakit?" - sagot ko na may halong pagsusungit.
"Wala lang. Pwede bang pumasok si Babe here?" - landi talaga. Nag-halikan pa sa harapan ko. Eww. Kadiri sila. Nakakairitang tingnan.
"Ano pa bang magagawa ko? E kasama mo na yang BABE mo." - nilakasan ko ang pagsabi ng BABE dahil naalibadbaran ako sa kanila.
"Tara na Babe?" sabay tango nung mukhang tanga na boyfriend.
"Hoy hoy hoy. Saan kayo pupunta? Bakit diyan ang punta ninyo paakyat sa hagdan?!" - bigla ba naman kasing umakyat ng hagdan. Anong gagawin nila doon?
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...