Definitely not a fairytale - Daniel's REAL story
---------------
"Anong ibig mong sabihing NOON DJ?" -
"....IT ALL BEGAN" -
- FLASHBACK -
Time Setting : 2 years ago. Second year High School, 14 years old
"Ma! Pa! Alis na po ako! Papasok na ako sa school! Bye! Loveyou Ma, Pa!" - Nagpapaalam na ako kila mama at papa, papasok ako ng School ngayon, first day of school ko sa pagiging Sophomore, well, nag-transfer kasi ako sa SCA eh.
Nakarating na ako ng school, pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito sa school para bang ang sama-sama ng tingin nila sa 'kin, yung para bang nakakamatay? Kaya natakot ako sa unang araw na yun eh.
Naglakad-lakad na ako para hanapin kung saang section ako ilalagay. Habang naglalakad ako, may nakita akong mga grupo ng babae na parang kinikilig dito, mga PBB TEENS nga sila eh.
"Oh My God girls, ang pogi nung bagong transfer dito na guy oh!"
"Oo nga my gosh girl! Grabe laglag panty naman yan!"
"Naku ang lalande ninyo! Akin kaya siya, tingnan mo nalaglay na nga yung bra ko sa ka-gwapuhan nito oh!"
Yan ang mga naririnig-rinig ko habang paakyat ako ng hagdan ng school, paakyat na ako ng isang hakbang nang may makabunggo sakin.
"Aww---SORRY, pasensya ka na" - May nakabunggo sakin na babae, hindi ko alam pero parang biglang tumibok ang puso ko na parang nagsasabi ng kung ano ba.
(A/N: Play the video at right -->> . Kung gusto niyong ulit-ulitin hanggang matapos ang story, okay lang)
Ngumiti nalang ako pagkatapos niyang tumakbo, para lang akong baliw na ngumingiti dito mag-isa, natatawa ako sa sarili ko pero parang sa isang sulyap niya ay nabihag agad ang puso ko?
Hay hindi ko alam pero para bang gusto ko ulit siyang makita. Hindi ko kasi masyadong nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya kanina, basta boses palang parang ang ganda ganda niya na.
Habang nandito ako sa room, nakita ko yung babaeng nabunggo ko kanina, at sakto pa siya na ang magi-introduce ng self niya sa harapan, pero napansin ko na biglang nagsi-sibangutan tong mga kaklase ko. Tinanong ko sa katabi ko kung bakit sila nagsi-sibangutan.
"Pst huy, bakit sila nakasimangot?" - Tinanong ko yung katabi ko
"Eh kasi ang balita dito sa campus, yang nagapakilala na yan, siya daw ang School Nerd ng campus." -
School Nerd? Yung itsura niyang yun? Nerd? Para sa akin hindi siya nerd, para sakin, isa siyang magandang babae na nakita ko. Naka-braces lang naman, loose yung blouse niya, may malaking salamin, mahaba ang medyas, oh? Anong kina-nerd nun? Ang alam kong nerd ay yung talagang nerd na nerd.
Napa-isip nalang tuloy ako kung paano ko siya malalapitan o makakapagkilala e para ngang walang lumalapit sa kanya eh.
Baka kung lapitan ko siya eh baka naman ako naman ang laman ng balita dito sa campus. Sorry pero baka hindi ko muna siya malalapitan sa ngayon. Sorry, pero siya nga pala, anong pangalan niya? Hindi ko kasi narinig kanina dahil nga may tinanong ako sa katabi ko kanina.
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...