Definitely not a fairytale - Chapter 20
---------------
DIEGO'S POV
Hello! Eto na ulit ako! Nandito nga pala kami ni Daniel sa may gym, naglalaro kami ng basketball habang nagkwekwentuhan, nakwento niya sa akin na nakatira lang sila sa iisang bahay ni Kath ngayon, pinag-isa daw sila ng bahay ng mga magulang nila, pero hindi ko alam kung bakit.
"So, talagang nakatira kayong dalawa sa iisang bubong pre?" - Tanong ko kay Daniel habang nagpapasa-pasahan kami ng bola
"Oo nga, hindi ko nga alam sa parents namin kung bakit eh. Hahaha! Okay nga yun eh, magkasama kami ni Kath, eh di palagi ko siyang naaasar." - Loko talaga tong si Daniel kahit kailan
"Ts. Ikaw talaga pare! Ang ganda ganda na kaya ni Kath ngayon, baka naman ma-inlove ka niyan?" - Nakita ko siyang nag-blush. Hahaha! Kilig? PBBTEENS?
"Naks pre! Kinilig ang loko! Namula ka pre! Naku, baka naman in love ka na kay Kath! Ayieee! Naks naman!" - Pang-aasar ko sa kanya, pero siyempre diba, nasa iisang bubong lang kayo, hindi malabong hindi magkainlaban ang isa't isa
"Tumigil ka diyan! Baka nga ikaw inlove ka kay Julia eh. Oh ano, aminin mo!" - Napahinto tuloy ako dito sa kinatatayuan ko, para bang tumusok sa akin yung sinabi ni Daniel na baka ako nga dito ang in love kay Julia eh
"Ts. Hindi no, ang sarap niya kasing asarin eh. Hahaha!" - Yan lang yung nasagot ko kay Daniel at naupo ako sa isang corner doon at uminom ng tubig na dala-dala ko kanina, sabay tumabi naman sakin si Daniel
"Oy pre, hindi naman masama na mainlove ka kay Julia ah, maganda naman siya, matalino, mabait at MATAPANG pa." - Bigla naman akong natawa sa sinabi ni Daniel, anong ibig niyang sabihin? Na okay lang na mainlove ako kay Julia? So siguro nga okay lang
"Hahaha. Ikaw nga diyan eh, si Kath, maganda na siya matalino, mabait, masipag, oh? San ka pa diba?" - Yan naman ang sinagot ko sa kanya, ano to? Gantihan?! Hahaha
"Nako pre, tara na nga tama na tong usapang chix, dun na tayo sa labas ng gym, dun nalang tayo magpahangin, mainit kasi dito eh." - Huh? Sa labas? Eh dito nga mas malamig eh, eh di okay, susunod ako
DJ'S POV
Niyaya ko si Diego na lumabas, kasi ang totoo niyan, hinahanap ko si Kath, baka umuwi na yun mag-isa, iniwan ako. Huhu. Naglalakad kami ni Diego palabas ng makita naming may parang kausap si Julia at Kath sa may campus doon at mukhang nagsisigawan na sila eh. Naku, ano kayang nangyare? Tsk, mapuntahan nga
"Oh My God! Anong nagyayare doon girl?" -
"Naku! Mukhang nag-aaway!" -
"Tara, puntahan natin, baka magsabunutan sila doon!" -
"Naku tara na girls! Baka magpatayan sila doon! OMG!" -
Nagtinginan kami ni Diego sa narinig, mukhang may kaaway si Kath at Julia ah, kung makikita niyo lang ang itsura namin, ganito oh --> O________O
BINABASA MO ANG
Definitely not a Fairytale
Teen FictionNot all the things in this world were like fairytales. Hindi lahat ng mga nangyayari sa mga fairytales ay nagkakatotoo in real life. Si Kathryn ay isang nerd na walang kamalay-malay sa mundo kaya't siya ay palaging inaaway. Ngunit meron kayang tutul...