It all started when my eyes landed on him that day. And I knew to myself that he was the one for me — or maybe I was just fooling myself...
"Here's our menu, Ma'am." Sabi ng crew pagkalapit bago i-abot ang isang menu. Kinuha ko naman ito at tinignan ang mga pagkain na nasa menu nila. Nang makapili na ako sinabi ko na yung mga pagkaing o-orderin ko. Nilista naman nito at dinouble check din nito ang mga inorder ko. Pagkatapos madouble check umalis naman din ito.
Habang hinihintay ko yung order ko na dumating pati na rin yung kikitain ko ngayong araw, nilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng restaurant. Nasa dulo ako nakaupo dahil mas gusto ko na lahat mapapansin ko tsaka katabi ko lang din ang bintana. Madalas dito ako pumupunta dahil maganda ang pagkaka-disensiyo ng ayos nitong restaurant. Maaliwalas din ito sa paningin.
Tumunog naman ang cellphone ko kaya nahinto sa pagtingin sa mga dumadaang mga sasakyan. Bumungad sakin ang isang tawag mula sa kanina ko pang hinihintay.
"Where are you?" Bungad ko kagad pagkatapos kong sagutin ang tawag niya. Kanina pa ako dito at usapan namin ay 11 o'clock ng umaga at ngayong 11:20 na wala pa rin siya. 20 minutes ko na siyang hinihintay at alam naman niyang time is gold ang aking paniniwala.
"Wow.. wala manlang ni isang hello? Kamusta na buhay mo Ganun? How sweet of you naman mydear" Umirap naman ako kahit hindi niya nakikita.
"Huwag mo kong simulan. Kanina pa ko dito." Huminga muna ako ng malalim bago pinag-patuloy sasabihin ko.
"Hello sis! kamusta ka na? Sana hindi naging maganda buhay mo ahhhh...... HAPPY?" Narinig ko namang tumawa ito sa kabilang linya. "Where are you na nga?" Tanong ko ulit.
"Chill! relax okay?! I'm already here na. I will just park my bebe hihihi." Sagot niya na may hikang tawa pang kasama. Tumingin naman ako sa labas at nakita ko na yung bebe kuno niyang kotse.
"K. See you. bye!" Tinago ko na yung phone ko sa bag at hihintayin ko na lang na pumasok siya. Tumunog naman ang pinto kaya tumingin ako dito dahil alam ko siya na ito. Nawala naman ang aking ngiti ng makita na ibang tao pala ngunit bumalik ulit ang akin ngiti ng maka-kita ako ng isang lalaki na talagang anak ng diyos dahil sa kaniyang taglay na kagwapuhan at talagang ang swerte ko dahil nakita ko siya. Mukhang maganda araw ko ngayon ngunit dahan dahan ding naglaho yung ngiti sa labi ko nang may makita akong may kasama itong babae at maganda rin. Sayang... Pero okay lang maganda din naman ako. Kaya pantay lang kami. Ngunit siya may advantages, ako wala.
Lalo pa kong sumimangot nang mapansin ang kaibigan ko sa likod nila. Tinaas ko naman kamay ko para kunin ang atensiyon niya na nakakuha din ng atensiyan nung gwapong lalaki. Happy naman ako deep inside dahil napansin niya ko kahit hindi para sa kaniya yung pagtaas ng kamay ko. Sorry future ko.
Lumapit naman si Cass short from Cassandra. Kaibigan ko.
"Hoy bakla! Hahaha grabe, ang ganda ganda ko pa rin" sabi niya pagkarating niya sa table namin. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon sa lalaki ang aking mata na kung papalarin naman ay halos katabi lang namin ng lamesa. Alisin lang yung mga nakaupo at lamesa na nasa pagitan namin at magkakatabi na kami. Tadhan nga naman. Napa-ngiti naman ako at binaling ko na ang aking tingin sa harap ko na naka-tingin pala sakin.
"Hmm. Bakit?"
"Kaya naman pala kanina pa ko nagkwekwento dito tapos ikaw sa iba ka nakatingin grabe galing palit nalang kaya kami ni Kuya noh?!" ngumisi ako nang marinig ang kaniyang magandang suhestiyon.
"Oo nga noh? Bakit hindi mo i-try" Suggest ko habang may nakapaskil na matamis na ngiti sa labi ko. Umirap naman ito.
"Ahhh ganunan tayo?! Kapag may gwapo hindi mo na ako kilala? Edi sige Babush na tsaka F.O na rin tayo noh!" Akmang tatayo ma siya nung pigilan ko. "Eto naman alam mo namang ikaw ang mahal ko wag na selos hmmm... Okay?" Pacute na pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Ewww... Tigilan mo nga iyan Elain. Baka mamaya mapagkamalan tayo edi wala na kong naging lovelife tsaka niloloko lang kita, hindi ako aalis edi sayang gas ko pagpunta dito."
Ngumiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Oh kinilig ka na naman sa sinabi ko. Ano ka ba ako lang ito ang pretty mong bestfriend" sabi niya sabay flip pa ng buhok sa hangin. Lalo akong ngumiti. Sige lang mag assume ka lang as long na hindi ka aalis dahil ikaw ang pagbabayarin ko ng mga kakainin natin today.
"Here's your orders Ma'am. Enjoy your food" Tinulungan ko na yung waiter na i-ayos yung mga pagkain sa lamesa namin. "Thank you" nakangiti kong sabi sa waiter.
Habang kumakain ako feeling ko may nakatingin samin kaya tinaas ko yung ulo ko para tignan. Sakto naman pagtingin ko nakita ko si Kuyang pogi nakatingin sa gawi namin. Lumingon naman ako sa likod ko. Kaso naalala ko nga pala na nasa dulo kami kaya ngumiti at kumindat ako sa kaniya. Kailangan maging mabait ang first impression niya sakin. Kaso nung pagngiti at kindat ko ay siya namang pagbaling niya sa kasama niya. In short hindi niya nakita. Huminga ako ng malalim at pumikit upang hindi maisip na kahihiyan ang aking ginawa dahil wala naman nakakita. Pagdilat ko nakita ko si Cass na may ngisi na pang inis sa mukha niya na sinasabi nakita ko yun. Inirapan ko naman ito. Sabi ko nga kahihiyan yun. Tinignan ko naman yung babaeng kausap niya. Baka girlfriend niya kasi ang ganda rin. Edi kung ganun ekis na siya sakin. As simple as that.
Pagkatapos namin kumain. Inayos muna namin mga pinagkainan bago kami tumayo para umalis. Tinignan ko naman si Kuyang pogi at nakita ko rin na tapos na rin silang kumain.
"Tara na!" Aya sakin ni Cass pagkatapos niyang bayaran yung bill namin. Bago ako lumabas sa pinto lumingon pa ko sa pwesto ni kuyang pogi kaso hindi nakatingin. Sayang naman ganda ko kung hindi niya na ako makikita. Tuluyan na kong lumabas at naglakad kung saan nakapark kotse ko. Halos magkatabi lang pala yung kotse namin ni Sandra.
"Hey Miss wait!" Pareho kaming lumingon ni Cass sa Boses na yun. At napangiti na lang ako dahil si Kuyang pogi pala yun.
"Yes po?" Parang batang tanong ko dito habang nakangiti.
"Ahhmm.. Have we met before? Sorry ahh but i think i've seen your face before it just that your face look familiar to me and i think i know someone who have that same face." sabi nito tsaka ako tinignan ng mabuti na kala masasagot ang tanong niya kung sino ako. Ano ka ba ako lang ito ang magiging future mo.
Nagpanggap naman ako na nag-iisip bago sumagot sa kaniya.
"Oh my.. This kind of face is unique that there no others person who have this kind of pretty face like me right? And also I don't know ehh....But yeah i think i've seen that kind of face before too. Ahhmmm maybe...."Pambibitin na sabi ko dito.
Kumunot naman ang noo nito. "Maybe what?" Ngumiti naman ako ng bongga dahil naintindihan niya ang assignment.
"Maybe... It's because you look like my future husband? Don't you think so?" Nakangiti kong sabi dito. Sorry mommy ang harot ng anak niyo.
"Smooth ni gaga" bulong ni Cass na nasa tabi ko na pala. Chismosa rin ang gaga.
Ngumisi naman si Kuyang pogi sakin. Hindi na pala Kuya pogi itatawag ko sa kaniya. Honey or Hon na lang para kasal na lang kulang. Natawa naman ako sa munting boses sa utak ko.
"Ohhh... Then maybe that's the reason why you look familiar to me because you're my future wife an-
"Hey Zarius Let's go" tumingin kaming lahat sa sumigaw at nakita namin na yung kasama niyang babae kanina na tinatawag siya... Hmmm so his name is Zarius huh... Bagay talaga na maging husband ko sya. Allysha plus Zarius equal perfect. Lalo akong kinilig sa naisip ko.
Bumalik sakin ang tingin nung Zarius at ngumiti. My god. Asawa ko yan!.
"Then see you again. My wife" paalam pa nito tsaka umalis. Kala naman kikiligin ako. Slight lang naman. Tsaka Again?
what does he mean by the word again?"Ay! Ang Harot! Sumbong kita kayla Tita eh. May nalalaman pang 'yes po?' Tapos babanatan ng ganun. Sabunutan kita dyan eh. Kagigil." Sabi ng katabi kong chismosa.
Nagkibit balikat na lang ako sa kaniya. Hindi ko naman inaasahan na sasakyan niya ang sinabi ko.
"Landi mo gaga!"
"Chismosa mo rin gaga!" Balik kong sagot sa kaniya. Bago dumiretso sa kotse namin.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
RomanceA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...