"What?" Tanong ko sa Kuya kong nakatayo malapit sa may tv dahil nakatingin samin. Nandito kami ngayon sa bahay dahil sabado at ako naman ay walang gagawin kaya dito ko naisipan tumambay. Si Kuya naman ewan ko kung bakit nandito.
"Nasan ang Daddy?" Tinignan ko naman siya simula ulo hanggang paa bago sumagot "Bakit?" Tanong ko. May dala kasi ito na mga papel at may pagkain na kasama.
"Secret. Nasaan nga?"
"Edi secret din." Pang inis ko dito. Mukha namang gumana dahil kumunot ang noo nito.
"Tsk! Ba't ba ko sayo nagtanong. Abnormal ka nga pala. Kay Nanay Lordes na nga lang ako magtanong"
"Hoy! Narinig ko yun. Ikaw naman minsan sweet madalas abnormal din! Tsaka may inaasikaso sila nanay Meldred guguluhin mo pa. Sabihin mo na nga kasi sakin bakit mo hinahanap si Daddy?" Pigil ko sa kaniya. Maglalakad na kasi ang bruhildo.
"Edi hahanapin ko na lang" nakangising sabi niya. "Edi masasayang pa oras mo. Kung sinabi mo na sakin edi kanina mo pa kausap Daddy" nakangising kong balik na sagot sa kaniya. Nakita ko naman na para siyang nag isip.
"May ipapakita ako kay Daddy na mga design. Happy?" Tumango naman ako sa kaniya. Yun lang pala nagsayang pa ng oras.
"So nasaan ang Daddy?"Nakataas na kilay na tanong niya. Ngumuso naman ako bago makibit balikat. Hindi ko din kasi alam kung nasaan ang Daddy.
"What?" Salubong na kilay na tanong niya "Hindi ko alam. Baka nasa taas o sa likod ng bahay" sabi ko.
"Eh bakit mo pa tinanong kung ano gagawin ko bakit ko hinahanap sa Daddy eh hindi mo naman pala alam?!"
"Masama bang magtanong. Curious lang ako okay?"
"Alam mo bang curiosity killed the cat h-
"And satisfaction brought it back" putol ko sa sasabihin niya. Nilabas ko pa dila ko dito.
Nakita ko naman na sumeryoso ito. What?! Tama naman diba?
"Lagot ka sakin" binaba naman niya ang hawak niya kaya tumayo na ko sa sofa bago lumipat sa likod nun.
"Yah! Sinagot ko naman tanong mo ahhh?!"
"Matino bang sagot yun ahh?!" Inis niyang sagot.
"Atleast sinagot"
"Yah!!! Keep quiet to the both of you. Don't you see I'm watching T.V right now!" Nahinto naman kami sa paghahabulan dahil sa sigaw ni Sofia. Bata bata lakas ng boses.
"Sure sweetie. Hindi na kami mag iingay ng ate mo okay? Alam mo ba nasan ang Daddy?"
"Nandun ata kuya sa office niya" Turo ni Sofia sa taas habang hindi tinatanggal ang tingin sa T.V "Goodgirl sister" nakangiting sagot ni kuya kahit na hindi siya nakikita ni Sofia. Tumaas naman ang tingin ni kuya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Tsk!" Sabi pa niya bago umakyat. Bumalik naman ako sa pinapanuod namin. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa pinapanuod namin.
Kinuha ko na lang yung phone ko sa gilid ng sofa atako ay mag-so-social media muna. Kaso wala din naman update so binaba ko na lang ulit. Tapos pumunta ako sa kitchen para kumuha ng mangunguyang pagkain.
Pagpasok ko sa loob ng kitchen naabutan ko sila Mommy at Manang Mildred na nagluluto.
"Anak naririnig ko kayo ng kuya mo nagkakaingay ano ba yun?" Tanong ni Mommy paglapit ko sa kaniya.
"Ahh wala lang yun Mommy, May toyo lang yung isa. Alam mo na" nakangiti kong sagot. Umiling iling naman si Mommy.
"Kayo talaga. Minsan ang sweet niyo madalas may toyo kayo dalawa."
"Exactly Mommy! pera lang ako dahil si kuya madalasay toyo."
Tinignan ko naman ito at nakita ko na ang niluluto ay fork chop at ang paborito ko which is nilagang baboy. Daming repolyo tsaka sabaw. Sarap na kagad. Kumuha ako ng kutsara at sumandok. Titikman ko at baka may kulang.Wahhh ang sarap sabaw palang ulam na. Saan ka pa edi sa Nilagang baboy ka na.
Pinuntahan ko naman ay yung rice cooker para tignan yung kanin kung luto na. Pagbukas ko tinesting ko pa kung dumidikit pa. Nang hindi na dumidikit hinugot ko na sa saksakan bago buhatin papunta sa lamesa. Pagpatong ko sa lamesa. Dumiretso naman ako sa lagayan ng mga utensil para maghain na rin. Maluluto na rin kasi yung ulam at halos tanghali na din. Nagtimpla na rin ako ng juice.
Makalipas ang ilang minuto naluto na lahat ng pagkain. Hinayaan ko na sila Mommy na mag-ayos sa lamesa at ako naman ay tatawagin ko na sila Daddy.
Paglabas ko pinuntahan ko kagad si sofia na hanggang ngayon ay nanunuod pa rin ng drama ni Lee jung sok.
"Sis! Kain na okay?!" Tawag ko dito. Tumango naman ito. Sumunod naman umakyat ako sa taas para tawagin yung isang Toyo pati na rin Si Daddy.
Pagpunta ko sa taas dumiretso ako sa office dahil baka nandun nga sila. Kaso pagbukas ko naman wala. Kaya pumunta ako sa master bedroom. Kaso pagbukas ko rin wala din sila. Kaya dumiretso na ko sa may dulo kung saan nandun yung terrace namin. At tama nga ako dahil nandun silang dalawa.
Kumatok ako sa may pinto na nasa gilid para kunin yung atensiyon nila. Lumingon naman sila kaya nagsalita na ko.
"Daddy! Kuya! Kain na okay?!" Aya ko sa kanilang dalawa. Naglakad naman na kagad si Daddy kaya pinauna ko na sa pagbaba. Tinignan ko naman si Kuya at nakita ko na nakatingin sakin.
"What na naman?!"
"Wala. Masama bang tumingin. Diba hindi" Inirapan ko na lang siya at nauna na kong bumaba. Hihintayin ko ma lang siya sa may hagdan.
Pagkarating ko dun. Naghintay pa ko ng ilang segundo bago ko siya nakitang bumababa. Siya naman yung tinitigan ko. Tignan natin kung hindi ka mailang.
Habang bumababa siya nakita ko naman na kumunot ang noo nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"What?!" Napangiti naman ako sa sagot niya. It's payback time Brother :<}
"Wala masama bang tumingin?" Sabi ko dito.
"Tsk! Ewan ko sayo. Makausap nga si Zarius. Maitanong kung Seryoso ba siya sayo o baka ginayuma mo" sabi niya pagkatapat sakin.
"Hoy!" Sigaw ko sa kaniya na siya lang makakarinig tsaka humabol sa pagpunta sa hapag kainan
"Love ako nun. Duh! Kapag kayo nagkatuluyan ni Erin lagot ka sakin." Pananakot ko sa kaniya bago ako umupo para kumain.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
RomanceA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...