Chapter 6

33 2 0
                                    

Maaga akong umalis ng condo kahit 2 pm palang naman. Bale 3 pm pa ang pasok ko. Dumiretso ako sa room at naabutan ko pa si Mark na nakaduktok sa upuan niya. Umupo na ako at kumuha ng notes. Magbabasa na lang ako at baka mamaya ay baka may biglang suprise quiz.

"Guys! Wala daw klase ngayon. Nasa meeting ang mga teacher." Sabi ni Christian. Mayor namin. Kilalang President ng room.

Bumuntong hininga ako bago iniligpit ang mga notebook ko. Sayang.

"Kawawa naman ang bata kung kailan sinisipag mag-aral tsaka walang klase.. awww sheket naman" Nilingon ko si Mark at nakita kong nasa tabi ko na pala at may mapang asar na nakapaskil sa mukha niya at umarte na parang nasasaktan. Parang gagu amputaa. Tinignan ko naman ito ng masama bago may hinanap.

"Kristin!! Wag mong sasagutin si Mark ahhh.." Sigaw ko sa nililigiwan niya na klassmate namin. Nalaman ko lang na nililigawan siya ni Mark dahil sa project namin last week. Nakita ko pang ngumiti ito at tumango kaya lumingon ako at nakita kong nakakunot at nakabusangot na ang mukha ni Mark kaya ngumiti naman ako sa kaniya ngayon ng may mapang-asar na ngiti.

"Tsk! Nandun yung asawa mo sa labas kaya tsupi ka na. Kaasar!" Sabi nito bago umalis at pumunta kay Krisha. Buti na lang alam niya na din na totoo yung asawa something ko. Nung una hindi pa siya naniniwala kaya kahapon pinakilala ko sa kaniya.

Tumingin naman ako sa bintana at nakita ko nakatayo nga sa labas ang asawa ko kaya tumayo na ko para pumunta sa pwesto niya.

"Hello honey! Miss mo na ko kagad. Nubayan kahapon lang tayo nagkita" at pinakilig mo pa ako ng husto. Gusto ko sana iyan isama kaso baka mamaya ay mang asar lang.

"Labas tayo." Hindi na niya hinintay sagot ko bago hinawakan kamay ko at maglakad. Gumuhit ang isang ngiti sa mukha ko dahil magka-holding hands kami. Self kalma. Huminga ako ng malalim dahil yung puso ko bumibilis tibok. Hawak lang yan.

"Uso magsabi bago hawakan ang kamay ko, okay? Para naman handa ako!" Nakangusong sabi ko dito.

Lumingon naman ito ng nakakunot ang noo

"Wife naman kita diba?" Nakakunot na sabi niya.

Huminga naman ako ng malalim bago sumagot.

"Oo nga Honey. Pero huwag masyadong bigla bigla ahh kasi yung puso ko tumitibok ng mabilis!"

Humagalpak naman ito kaya siniko ko siya. Tinigil naman niya kaya lang may nakapaskil naman na isang ngisi sa mukha niya.

"Quit smirking at me. I'm serious!" Inis na sabi ko.

"I'm not smirking!" Sabi niya bago kagatin ibabang labi niya na para bang pinipigilan ngumiti.

"Well, stop laughing at me!" Naiinis na sabi ko.

"I'm not laughing!" Pilit na sineseryoso ang mukha kahit halata namang pinipigilan lang tumawa.

Hindi daw kahit halata naman. Kwento niya sa pagong!

"Then quit whatever it is your doing. Kung hindi sasakalin kita!"

"Ang harsh mo naman but i like it." Namula naman ako dito. Tinaasan ko naman ng kilay at tinignan ito. Makuha ka sa tingin kung hindi makakatikim ka ng isang sakal. Mukha naman natakot ito.

"Okay! okay! I'll stop now. Let's go?" Sabi niya habang tinataas pa yung dalawang kamay niya katapat ng mukha niya.

Nakarating kami sa isang coffee shop malapit sa WVU. Umorder na siya habang ako naman ay naghanap ng mauupuan.

"For my beautiful lady. Here's your coffee!" Nakangiting sabi niya pagkababa ng mga inumin namin.

Malugod ko namang kinuha iyon bago ngumiti ng matamis

Choice of Joy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon