Mabilis lumipas ang mga araw. Halos takbo at lakad ang ginawa ko papunta sa room ko dahil na late ako ng gising dahil sa ibang mga gawain na iniwan ng ibang professor namin. Pagkarating ko dun. Sinilip ko muna yung table sa harap at nung nakita kong wala pa yung teacher namin pumasok na ako. Nakita ko pa yung iba naming classmate na nagbabasa. Umupo na ko dahil dumating na professor namin ngayon. Sakto lang pala ang dating ko.
"Goodmorning Class! We will have a recitation today. Nag sabi ako sa gc nung isang araw So i assume that all of you are ready." Sabi ni Sir William na may dalang mga index card namin pagkapasok.
"Shit! Patay hindi ko nabasa!" Rinig kong bulong ng katabi ko. Girl huwag kang mag alala hindi ko rin nabasa. Pareho lang tayo kaya may kadamay ka. Nag cross of the finger at nanalangin ng tahimik na huwag ako matawag sa mahirap na tanong. Pagkatapos ko magdasal nilibot ko yung mata ko at nakita ko ang target ko.
Si Mark na mukhang handa. Kaya nung tumalikod si sir naghagis ako ng balot na papel at saktong tumama sa ulo niya. Galit siyang bumaling sa likod at ng makita niya na ako yung nagbato nun nagbago ang mukha nito at naging maamo
"Ano?!" Basa ko sa bukas ng bibig niya. Nakita ko naman si sir na humarap samin kaya humarap na rin si Mark.
Nang tumalikod ulit si sir. Mabilis na lumingon si Mark at hinihintay sasabihin ko
Nagsulat pa ko ng HELP sa hangin at umarte na hindi ko nabasa. Mukhang nagets naman niya dahil nag okay sign siya. Nakahinga naman ako ng maluwag at kahit papaano may maisasagot ako. Nag aaral naman ako. Kaso ilang araw na nung huli naming kita ni sir at pagbungad samin recitation kagad. Hustisya naman sa hindi matalas ang memorya.
Nagsimula na si Sir magtawag at buti na lang hindi pa ko natatawag kaso sa kada hindi ako natatawag, mas lalong kinakabahan ako kasi yung ibang tanong may pagpipilian yung iba wala.
"Santos?" Pagbasa ni sir sa pangalan ni Mark. Nakita ko naman na tumayo ito.
"What are the four aspect of hospitality Industry?"
Shit! Nakalimutan ko na yun. Buti na lang hindi sakin napunta yung tanong na yan. Dalawa lang ang alam ko."Food and beverage, travel and tourism, lodging and the last one is Recreation Sir." Seryosong sabi ni Mark. Idol na kita Mark. Tumango naman si Sir kaya naupo na si Mark.
"Romero?" Shit puso ko. Habang tumatayo ako mas magiging malakas ang tibok ng puso ko. Parang gusto ko na umalis. Bumuntong hininga ako upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko ngunit wala itong epekto lalo pa atang lumakas ang kaba ko. Pumikit ako at nanalangin ng taimtim. Mommy tulungan mo yung anak mong maganda, lord please parang awa niyo future ko nakasalalay dito. Dumilat na ako at nakita ko si sir na seryosong nakatingin sakin. Nakita ko pa lumingon si Mark sa direksiyon ko.
"Aviation, taxation, and commerce are categories of what law?"
Gago bakit yan pa. Hirap nga ako magkabisado ng mga law tapos yan pa tinanong. Nag isip naman ako kaso wala talaga.Nakita kong bumuka bibig ni Mark kaya sumiple akong tumingin. Kunwari din nag iisip. Nung una hindi ko pa maintindihan kaya nilakihan ni Mark ang buka ng bibig niya. Gagi ka Mark. Ayusin mo. Sayo nakasalalay grade ko ngayon.
"Ms. Romero?" Tumingin naman ako kay sir at nakita ko na naghihintay ito ng sagot ko. Nag i-narte ako na kunwari nag iisip bago sumagot.
"Administrative Sir." Sagot ko dito. Tumango naman ito kaya umupo na ko kaso may tinanong ulit. Kaya tumayo ulit ako.
"Wal-Mart, Domino's Pizza, and Avis Rent-a-Car are examples of?" Kumunot naman ang noo ko dahil sakin dalawa ang tanong eh ang iba isa lang. Ano yun? favorite ako?. No thanks na lang noh. Mas gusto ko pa maging invisible. Hindi na ko tumingin kay Mark dahil alam ko ang sagot. Buti na lang madali lang napunta nung pangalawang tanong na.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
DragosteA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...