Pagkatapos namin kumain. Dumiretso na ko sa taas at matutulog na lang. Pagpasok ko sa kwarto ko dumiretso na ko sa kama para humiga. Halos wala pang limang minuto nakarinig ako ng kumakatok.
"Sis! Bubuksan ko pinto ah" Sigaw ni kuya galing sa labas ng kwarto ko. Umayos naman ako ng upo tsaka hinantay siyang pumasok.
"Aalis na ko hindi ka ba uuwi at ng maihatid na kita bago ako pumunta sa party." Tanong niya.
"Hindi muna. Dito muna ako weekdays naman. San ka punta?"
"Sa party nga" pumikit naman ako na parang naiinis. " I mean Saan luga?!"
"Ayusin mo kasi. Tsaka Secret yun. Baka din pala kasama si Zarius sa kaniya mo na lang tanungin. Alis na ko. Bye!" Yumuko naman siya para halikan noo ko.
"Bye. Ingat rin!" Huminto naman ito at lumingon. Ngumiti ito kaya ngumiti din ako pabalik. Tinaas niya pa isa niyang kamay na parang nagpapaalam bago sumarado ang pintuan.
Pagka-alis ni Kuya tinignan ko naman yung message ko at nakita ko na wala namang message sakin si Zarius. Nag-type lang ako ng goodnight at pagkatapos nun binuksan ko na yung tv manunuod na lang muna ako ng netflix habang hindi pa ako inaantok.
Naghanap naman ako ng bagong kdrama at nakita ko yung Police University pati na rin yung Hometown cha cha. Tinignan ko naman yung plot story nung dalawa at pareho ko silang gusto. Sa huli ang naisipan kong panuorin ay yung Police University dahil yun ay patapos na edi kapag natapos ko na yun at wala pang susunod na episode edi hometown cha cha naman susunod ko habang hinihintay ko yung susunod na episode.
Bumaba muna ako para kumuha ng pagkain. Pagbaba ko naabutan ko pa si Daddy na nagkakape. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain. Nagpaalam na akong umakyat. Pagkapasok ko sa kwarto inayos ko muna yung mga gamit na nasa kama ko bago ilagay yung pagkain ko dun. Habang nilalagay ko naman yung pagkain nakita ko naman sa tabi yung cellphone ko na umilaw.
Pagkaupo ko sa kwarto kinuha ko muna yung phone ko at tinignan. Nakita ko naman yung reply ni Zarius.
Him:
Goodnight too. I'm going to my classmate party.:)Me:
Okay. Always Take care!Him:
Yeah. I will message you when i'm home na. I love you<3Me:
I love you too.:)Hindi ko na siya tinanong kung saan dahil alam ko naman. Madalas naman kapag may aalis isa samin hindi namin tinatanong dahil alam naming pareho na may respeto pa rin kami sa mga buhay namin kahit na magkarelasyon pa rin kami. And also I trust him and He trust me too. That's the only important to us. To trust each other. Tinabi ko na yung phone ko at nanuod na lang.
Kinabukasan Paggising ko nakita ko sila Mommy at Daddy na nasa sala. Binati ko ang mga ito at nagpa-alam na ngayon ako uuwi sa condo ko.
Pagkauwi ko sa condo inayos ko muna yung mga dala ko at nag-ayos na rin. Bago maglinis nag-saing muna ako at nagbaba muna ng lulutuin ko.
Pagkatapos ko maglinis. Inumpisahan ko na magluto ng ulam dahil tanghali na pala. Ang lulutuin ko lang ay dalawang pirasong fork chop. Pagkakain ko nagpahinga muna ako saglit. Maggro-grocery ako ngayon dahil kanina habang naglilinis ako sa kitchen yung mga pagkain ko paubos na. Need ko na mag stock ulit. Madalas pang isang buwanan ko na yung mga binibili ko pero yung mga pagkain na lulutuin kada week.
Nag-ayos na ko at ang suot ko ay simpleng polo shirt na tinernohan ko ng maong na short at sapatos. pinusod ko lang yung buhok ko na half. Pagkatapos ko mag-ayos. Dumiretsk na ko sa parking lot at nagmaneho na.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
RomanceA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...