Ilang days na lang magsisimula na kami sa OJT namin.
"Hoyy Allyshaa!!!"
Lumingon ako at nakita ko si Cassadra na papalapit. Nakita ko pang may hawak na pagkain.
"Bakit?" Tanong ko pagkalapit niya tsaka kumuha ng fries.
"Kaasar! Yung isa naming prof ang daming pinapagawa tapos major pa... Hindi ko nga paborito subject niya eh tapos hilig hilig pa mag pagawa!" Sumbong niya na parang batang inagawan ng pagkain.
"Girl alam ko kung anong solusiyon dyan." Sabi ko para mabawasan problema niya sa mundo.
Nakita ko namang lumiwanag ang mukha niya pagkatapos kong sabihin iyon.
"ANO? ANO!?? Dali! Sabihin mo na. Parang awa mo na arghh."
"Huwag ka ng mag-aral" nakangiting sabi ko. Bigla namang naglaho ang reaksiyon nito kaya tumawa ako.
"Gaga ka! Baka gusto mong tumalak nanay ko at mawala ako sa mundo ng wala sa oras edi hindi mo na makikita mukha kong maganda. Siraulo ka rin Ipapahamak mo pa ako."
Sinamaan ko ito ng tingin dahil biglang ako hinampas. Siya na nga binigyan ng payo siya pa may ganang humampas.
"Binigyan lang kita ng payo para hindi ka na magrant sa susunod! Kada taon may rant ka sakin tungkol sa professor mo o kaya sa mga gawain mo!"
"Eh kasi yung mga Prof. namin ehh... tsaka mga payo mo kase hindi matino! Kaloka ka." Umirap pa.
"Edi huwag kang sakin magrant!" naniinis na sabi ko bago kinuha yung float niya at uminom.
"Oo! hindi na. Dahil last year na ito." Sabay kuha sa kamay ko ng float. "Tsaka akin ito. Bumili ka ng iyo! Yaman yaman mo hindi ka makabili!"
Binilisan ko naman lakad ko at iniwan ko na siya. Napakaramot!
"Siraulo talaga itong babaeng ito. Hindi nanghihintay" rinig kong sabi niya.
"Paalala mo nga bakit kita naging kaibigan?! Naalog ata ulo ko nun." Sabi niya pagkahabol sakin sa paglalakad.
"Dahil maganda ako" i said.
"HALA!" Nahinto naman ako sa sigaw niya at tinignan ito ng nakataas ang isa kong kilay. Problema na naman kaya nito?
"May naramdaman ka?" Tanong niya. Umiling ako dahil wala naman akong naramdaman eh. Nababaliw na naman ata ang isang to.
"NAPAKALAKAS NG HANGIN GALING SAYO! GRABE KA NA TALAGA ELAIN" Sabi niya na malakas. Dahil sa lakas ng pagkakasabi niya nakakuha kami ng ibang atensiyon nitong gaga na ito.
Atensiyon seeker putek! Loka talaga!.
"Gaga ka!" Bulong ko sabay kurot ko dito.
"Aisshhh! Sakit nun ahhh... Makakurot ka for your impormation tao din ako nasasaktan. Kurutin kita dyan eh."
"Sorry not sorry. Ang Lakas ng boses eh. Siraulo ka! Palengkera!" Inis kong sabi.
Nakita ko namang ngumisi ito at nagpose pa ng nakakairita.
"Bawi ka na lang next time girl" sabi niya na may kasama pang tawa. Nakita ko naman yung dati niyang teacher si Ma'am Rogales na papalapit sa pwesto namin. Ayos! Sorry girl.
"HALA BUNTIS KA?! SINO ANG AMA?!"Ganti ko dito. Nakita ko naman nagulat ito. Kala mo ahhh...
"Sorry girl. Papunta na si Ma'am Rogales favorite teacher mo. Dun ka na lang magpaliwanag ahhh tsaka Karma is a bitch." Ngumiti ako dito at sinamahan ng tawa sa huli.
"Huy! Gagu ka talaga! I hate you! Hindi ko siya favorite!" Bulong na sabi nito. Ngunit tinawanan ko lang ito.
"Ehem.. Ms. Romero and Ms. Santos. Care to explain what's happening here?!" Tanong ni Ma'am Rogales.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
RomanceA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...