Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Nakatulog na pala ako kagabi dala siguro ng pagod.
Dali dali kong inabot ang cellphone ko dahil may naalala ako kagabi bago ako makatulog.Binuksan ko yung ig ko at tinignan yung myday ni Ivan.
Nanlumo ako nung nakita ko na wala na. Ang bilis naman niya burahin? Nakakahiya naman kung i-dm ko siya at sabihin ipasa sakin yung video o kaya magtanong ako ng magtanong. Hayss..
Pinagiisipan ko pa rin kung imemesage ko ba o hindi. Gusto ko lang kasi masigurado. Sa huli napagpasiyahan kong wag na lang at baka mamaya isipin na curious ako kahit ang totoo sobra pa sa sobra ang pagka curious ko.
Tumayo na ko at nag-ayos ng sarili bago bumaba.
Pagkarating ko sa baba dumiretso na ko sa kusina at naghanda ng makakain. Kakain muna ako bago ako maglinis ng unit ko na hindi ko na pala nalinis.
Inilabas ko na sa ref at ininit ko lang yung natira kong ulam kagabi at magsasangag na lang din. Konti lang naman hinahanda kong pagkain dahil ako lang naman mag-isa dito. Kaya madalas walang natitira na pagkain. Okay na rin yun dahil sayang pa pag hindi naubos.
Pinag-iisipan ko tuloy kung bibili ba ako ng aso. Kaso kung bibili naman ako panibagong gastos naman. Pag hindi naman bumili ako lang mag-isa. Sanay naman na ko dahil simula nung mag secong year ako dito na ko nanatili kaya 2 year na itong condo ko.
Kasi kung bibili talaga ako may kasama na ako kaso kapag umalis naman ako maiiwan naman siya. Edi ang tagal niiyang mag-isa. Mahirap kaya pag ikaw lang mag-isa tapos hindi ka pa sanay.
Okay sana kung yung future husband ko na si Zarius may alaga.
Wait-
Dali dali ko ulit hinanap cellphone ko at binuksan yung ig at sinearch ang pangalan na Zarius.
Kala ko madali kong mahahanap kaso putek ilang minuto na ko naghahanap wala parin dahil sa daming lumabas na Zarius na pangalan.
Dapat pala nagpakilala na ko nung sinabi niyang you look familiar edi sana alam ko na pangalan niya ang alam ko lang Zyrus. Sayang! Ayan Allysha Elaenne sige inuna mo pa landi ahhh... hays. Pero okay lang din pala dahil hindi din niya alam pangalan ko kaya quits lang kami.
Tinigil ko na ang pagcecellphone at nagfocus na lang sa paghahanda ng pagkain ko ngayon. Pagkatapos inihain ko na at nagsimula ng kumain.
Niligpit ko na ang pinagkainan ko at dumiretso na ko sa sala. Pagkaraan ng ilang minuto nagsimula na akong malinis. Konting linis lang naman dahil konti lang naman ang magulo.
Habang naglilinis ako tumunog cellphone ko. Tumambad sakin tumatawag si ate Quinn isa sa Friend nila Kuya. Nagkakilala kami nung isang beses nakita ko silang dalawa na nag-uusap then ayun medyo close na kami.
"Hello Ate!" Bati ko dito.
"Hello Elain! Kamusta ka na? Okay na enrollment mo?"
"Yes Ate at kasama ko din naman sila Kuya kaya hindi rin po ako nahirapan." Sabi ko habang inaayos ko yung unan sa couch.
"Tsaka nga pala free ka ba ngayon? Papasama sana ako? Okay lang?" Tanong ni Ate Quinn. "Sure Ate!" Balik kong sagot sa kaniya. Patapos na ko sa pagliligpit at wala naman na akong gagawin ngayon kundi manuod lang naman ng kdrama.
"Saan po ba?" Tanong ko pa at naupo muna. Nakakangalay din kapag may kausap ka at naglilinis ka.
"Sa mall lang sana. May kulang pa kase na gamit sa shop ko." Sabi niya. May business kasi si Ate Quinn pero hindi pa rin siya nag oopen inuumpisahan pa lang niya. "Sure po. Mag aayos lang pa ako."
"Thanks Elaenne! No problem. Take your time. Sunduin na lang kita ahhh... Bye and take care!".
"Bye din Ate!" Paalam ko. Pinatong ko muna sa table yung cellphone ko tsaka tinuloy ko na paglilinis. Tumunog cellphone ko kaya tinignan ko at bumungad sakin ang text ni ate Quinn na sinasabi mga hapon na lang kami tumuloy mag aalas dose na pala. Tatatapusin ko na ang paglilinis.
Pagkalinis ko dumiretso na ako sa labado at naghugas ng kamay bago maghanda ng pagkain para sa tanghalian.
Pagkatapos kong kumain dumiretso ako sa sala at nanuod nalang ng kdrama. Pinapanuod ko ngayon ay yung kdrama na she would never know episode five pa lang ako. Nakakainis yung mga lalaki na dala-dalawa babae hindi makuntento sa isa. Buti na lang yung babae hindi martyr. Tatapusin ko muna ilang episode bago ako maligo at mag ayos. Mahaba pa naman oras ko.
Habang nanunuod ako pinicturan ko yung t.v at ilalagay sa myday ko. Nilagay ko lang na caption ay watching my baby project pati na rin yung title.
Mga ilang minuto lang dumami na ang views at yung iba na friend ko nagchat pa na bebe din nila yun.
Tumunog din cellphone ko at may nakita akong nakatag na galing sa story ni Cass. Ang picture ay yung isa ko pang bebe na naka standee pati na rin siya at may nakasulat dun na mainggit ka. View ko lang yung story niya.
Hindi naman ako naingit dahil siya puro standee eh ako nakikita ko pa. Nung malapit ng mag seven nag-ayos na ko at baka mamaya mag text na si Ate Quinn na nasa baba na siya.
Nang matapos na kong mag-ayos. Nahintay pa ko ng ilang minuto bago ko narinig yung tunog ng cellphone ko at nag text na si Ate Quinn na nadoon na nga siya sa parking lot. Pagkapasok ko sa loob pinaandar na kagad ni Ate yung kotse.
Pagkarating sa Mall, Dumiretso naman kagad kami sa Daiso
dahil may bibilhin lang daw siya na cute na gamit para sa business niya. Pagkatapos niya kumuha naglibot pa kami ng ilang minuto Bumili na din siya ng ibang gamit. Ako naman pag may nakita ako na kakailangin ko bumibili na din ako.Napagpasiyahan namin kumain muna ng dinner bago umuwi. Dumiretso kami sa mang inasal dahil unlimited yung rice dun at mura pa.
Pagpasok namin sa Mang Inasal ni Ate Quinn ay dumiretso na sa counter habang ako naman dumiretso sa 2nd floor para maghanap ng upuan namin.
May nakita ako sa medyo gilid kaya dun ako dumiretso. Binaba ko na rin mga napamili namin bago nilabas ko yung cellphone ko. Pinicturan ko muna yung nasa labas dahil puro ilaw at magandang kuhanan. Tsaka ko nilagay sa my day ko. Nilagay ko lang na caption. Beautiful light like me.
Napansin ko naman si Ate na paakyat na kaya sinalubong ko na siya at tinulungan. Pagkarating namin sa table pinatong namin yung mga pagkain bago kami naupo. Nang maayos na nagsimula na din kaming kumain.
Nakailang kanin din kami bago namin naisipan na umuwi na. Inayos muna namin mga pinagkainan namin bago dumiretso palabas.
Dinoble check muna namin mga pinamili namin bago pumunta sa parking lot. Paglabas namin malakas na hangin ang sumalubong sa amin. Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na halos nine na pala.
Nauna na si ate sa paglalagay ng mga pinamili sa likod ng kotse kaya sumunod na ko. Nang matapos na ni ate ako naman ang naglagay nahinto lang iyun ng may lalaking nagsalita na ang boses ay pamilyar.
"Quinn?"
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
RomansaA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...