Chapter 2

54 4 3
                                    

Naglalakad na kami ni Cassandra para maglibot. Pagkatapos kasi naming kumain namahinga muna kami saglit doon sa canteen at tsaka malamig naman dun at pinapababa din ang mga kinain namin.

Tumingin ako sa langit. Buti na lang makulimlim at hindi sobrang init dahil mahirap din iyon lalo na kung wala kang payong pero mas mahirap kapag umulan. Pero kanina naman sabi sa balita maayos naman ang lagay nang panahon.

Hindi ko na lang pinansin at itinuon ko na lang ang aking sarili sa paglilibot na aking mga mata sa mga dinadaanan namin. Malaki ang school ng Westview Univesity dahil meron ding mga grade 7 dito hanggang college na.

Buti na lang nilibot namin ito noon first year namin dahil tiyak pag unang araw ng pasok alam kong maliligaw ako. Buti na lang din nagbibigay ang registrar ng map ng school. Convenience na rin sa mga studyante na bago. At baka pag walang map. Madami nang mga naligaw.

Una naming napuntahan ay ang building ng architect na kung saan building nila Kuya. Mas malapit ang building nito sa gate at canteen. Madaming canteen ang nakatayo dito sa loob ng school at may apat na gate ang school na ito. Hindi ko lang alam kung ilan ang canteen dito dahil hindi naman ako mahilig maglibot.

Halos magkakamukha lang yung mga building dahil 5th floor lahat, pinagkaiba lang nila yung mga pangalan ng building. Ang pangalan na ginamit nila kada building ay mga naging presidente.

Napapansin ko yung madalas ginagamit nilang pangalan ng building ay presidente o kaya mga santo hindi ko lang alam yung iba.

Napansin ko rin noong first year ako may mga elevator din kada building. Siguro dahil 5th floor kada building. Kapagod naman kung walang elevator at titiisin mong humakbang sa hagdan. Wala ka pa ata sa pangatlong floor pagod ka na.

"Alam mo balita ko madaming gwapo sa engineer, architect, lawyer tsaka mga flight attentdant saan kaya maganda tumambay na building noh? Tsaka buti na lang din nalipat yung building nating pareho" Balita sakin ni Sandra sabay kindat pa.

"Saan mo naman nakuha yang balita na iyan?" I asked.

"Syempre noh ako kaya si Cassandra the great. And Darling, i have my ways, you know" pagmamalaki niya. Hindi na ko nagsalita at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Madami pa kaming dinaanan na mga building. Nahinto lang naman kami dahil nasa building na kami ng education kung saan doon course niya.

"Welcome to my new building Alisya! Which is College of Education Called Gloria Macapagal Arroyo Building" maligayang sabi niya. Nagbago building nila kung dati ang building nila tago ngayon naman halos nasa harapan na. Pati yung Building din namin nalipat. Mas malapit na kami sa engineer at architect na building.

Umakyat na kami sa floor niya kung saan 2nd floor lang. Buti naman at hindi masyadong mataas hindi ako mahihirapan pag napagsiyahan naming maggala at hintayin ko siya. Ayaw ko naman makipag siksikan sa elevator.

Umarte pa siya na kala naman tour guide siya.

Pagkatapak namin sa 2nd floor pumunta na kami sa room. Pagpunta namin dun nakasarado yung pinto dahil bawal pang pumasok ang studyante. Wala pa rin naman pagbabago.

Pagkatapos namin tumingin bumaba na kami at dumiretso naman na kami sa building ng CHTM kung saan doon ang building ko.

Pangalan naman ng building namin ay Manuel Quezon. Iba iba mga pangalan na ginamit kada building dahil madami ito at hindi naman pwedeng magkakamukha dahil malilito talaga ang mga studyante pag ganoon.

2nd floor lang din room ko at ayos na ayos yun dahil hindi din ako mahihirapan umakyat. Nung first year namin nun fourt floor Pumunta na din kami sa room ko at may nakita ako na iilan mga studyante na nasa corridor lang din. Yung iba doon klassmate ko. Nagkamustahan lang kami saglit.

Choice of Joy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon