Papunta ako ngayon sa hotel dahil pang-ala-una ng tanghali ang naka-schedule sakin. Pumunta muna ako sa room naming mga student para ilagay yung bag ko. Magkahiwalay ang room ng mga studyante na nag-o-ojt at yung talagang nagtratrabaho dito. Pagkalagay ko ng bag sa isang sulok hinap ko yung powder at yung liptint ko para makapag ayos na rin ng konti pagkatapos kong mag-ayos dumiretso na ako sa event room kung saan dun ginaganap yung mga cinecelbrate ng mga nagpapareserve. Pagpasok ko nilibot ko muna yung tingin ko sa kabuuan ng hall ilang mga gamit na lang pala ang kailangan para matapos na kagad. Dumiretso ako sa mga lobo dahil isa lang ang gumagawa. Marunong naman ako magbuhol kaya wala akong problema sa paggawa ng mga ballon ang ayaw ko lang yung pinipihit na parang gagawin mga aso dahil piling ko kapag ako gumawa nun isang pihit ko lang puputok na. Buti na lang kamo at ang celebrant ay nasa sisenta anyos na hindi na kailangan nung mga ek ek na mga design.
"Nasaan kasama mo?" Tanong ko pagkalapit sa isang babae. Siya yung mag isang nagpapalobo.
"Ahhh si Gail, umalis na dahil tapos na shift niya buti na lang dumating ka. I'm Jane pala." Sabi niya at naglahad ng kamay.
"I'm Allysha. Nice meeting you" sabi ko naman bago abutin yung kamay niya.
Pagkatapos namin magpakilala sa isa't isa nagsimula na din kami gumawa. Mas matanda pala siya sakin ng isang taon tsaka ang mga magulang niys ay nasa ibang bansa.
Ilang days na lang matatapos na kami sa OJT pagkatapos mga ilang araw namin aasikasuhin yung ibang mga subject at yun na graduating na. Magpapaalam na ko magandang school na ito.
Halos kalahating oras din kami natapos sa pagpapalobo ng mga balloon. Niligpit muna namin yung mga sobra na lobo sa isang tabi kami tumayo. Nahirapan pa kaming dalawa na tumayo dahil namanhid mga binti namin. Nag-unat-unat at uminom muna kami bago tumulong ulit sa iba.
Inaayos naman namin ngayon yung mga bulaklak sa table pati na rin yung mga pinggan at iba pang mga utensil na gagamitin.
"Uy Sis!" Lumingon naman ako at nakita ko si marie na tinawag si Janna. Kala ko ako ang tinatawag hayts! Alisya ang assuming mo ahhh.. Pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa.
Pagkatapos ko sa mga lamesa nagpahinga muna ako dahil yung iba patapos na at yun na lang ang hinahantay para matapos na talaga ang pag-aayos. Umupo ako kung saan halos buong hall ang kita. Ang ganda ng pagkakadesign. Kulay lavender ang theme na may halong gold dahil sa upuan. Yung lobo naman pinaghihiwalay namin, sa bawat lamesa meron tapos meron din sa taas ng dingding na nakakumpol.
Nang wala na kaming gagawin pinagdinner na kami ng head namin. Dahil 6:30 na pala kami natapos at 8:00 naman ang umpisa ng event. Lumabas naman ako kasama si Iris dahil kakarating lang niya at hindi pa siya kumakain. Pumunta kami sa Jollibee dahil ayun ang malapit na fastfood restaurant. Yung iba samin naiwan dahil may mga baon silang dala.
Pagpasok namin naghiwalay na kami ng landas dahil siya ang pipili habang ako naman ay maghahanap lang ng upuan naming dalawa. Dumiretso ako sa isang sulok kung saan katabi ay yung bintana. Hindi ko alam pero madalas mas gusto ko sa malapit na bintana ako lagi umuupo. Natatanaw mo yung mga nasa labas at yung ibang maganda din yung mga tanawin mula sa labas ng bintana.
Nakita ko naman si Iris na papunta na kaya nagtaas ako ng kamay para mapansin niya ko. Pagkarating niya inayos muna namin yung tray sa isang gilid para hindi nakaharang. Ang order ko lagi sa Jollibee syempre hindi mawawala yung friend chicken, sunod naman ay yung sopas, spaghetti, sundae, fries, at burger pati na rin coke float. Ganun din kay Iris kaso ang wala lang sa kaniya ay yung sopas.
"Saan ka nga pala magtratrabaho pagkagraduate?" Tumingin ako sa kaniya bago sumagot.
"Hindi ko pa alam. Go with the flow lang muna ako ngayon." Hindi ko naman prinoproblema ang magiging trabaho ko dahil alam ko na baka sa akin ilipat ang negosyo kapag umayaw si Kuya dahil ang gusto nga niya ang pagiging engineer.
"Buti ka pa. Ako kasi nakaplano na yung magiging future ko ang kailangan ko na lang ay yung magandang trabaho para makamit ko yung mga nakalagay sa plano ko dahil kung wala akong trabaho tapos gumawa ako ng plano para saan pa diba?"
"You mean nakaplano na kung anong edad or year ganun?" Kuryosado kong tanong.
"Ahhh oo hahahaha weird ba?" Nakangiting niyang sagot. Hindi naman weird dahil ang galing nga dahil susundin mo na lang yung track ng plano mo.
"Hindi ahhh. Ang Galing nga. Pero hindi ka ba mahihirapan dyan? I mean halimbawa may mga emergency na mangyayari. Edi madedelay ka diba?"
"Hmmm.. madedelay nga pero ayos lang hindi din naman ako nagmamadali ang gusto ko lang yung may masusundan ako sa future ko mas maganda na lang talaga kapag yung mga plano ko sa buhay ko matupad talaga sa year na yun. Para na rin matulungan ko mga magulang ng maaga. Ang Gusto ko kasi makapagtapos ako ng pag-aaral tapos pagkatapoa ko mag-aral edi hahanap ako ng trabaho para sa sarili ko then after that ako na mag-papa-aral dun sa dalawa kong kapatid. Alam mo na Panganay thing. " Nakangiting niyang sagot. Ngumiti naman ako pabalik sa kaniya. At nagsimula ulit siya kumain.
"Ang hirap din pala yung mga panganay na mga tulad niyo kailangan niyong tulungan mga magulang mo. Pero ang Galing dahil kahit papaano natutulungan mo magulang mo. Ang akin kasi natutulungan ko naman sila mommy at daddy dahil syempre kahit mayaman kami need pa rin naman kami maghanap buhay para sa sarili namin dahil yung mga pera naman namin ay kayla daddy at mommy lang iyun. Diba naikwento ko sayo na meron kaming mga unit na ginagamit namin. Sa magulang namin yun galing dahil sa birthday gift nila. Pero laking pasasalamat din namin nila kuya sa kanila dahil pinalaki nila kaming mabait" nakangiti ko namang sabi sa kaniya.
Yung Plano na tulad nung kaniya hindi nakadepende sa year ang akin dahil ang gusto ko makapagtapos din ako, makapag trabaho at makapag invest ng sariling bahay at lupa pati na rin ibang gamit na galing talaga sa pinaghirapan ko at masasabi kong aking pera at hindi kayla Mommy at higit sa lahat maibalik kayla Mommy at Daddy ang mga sakripisyo nila para samin nila Kuya at Sofia. Hangga't may biyayang dumadating magpasalamat at ng pagdating ng araw maibalik mo naman. Just go with the flow muna then after you decide what you gonna do you can finally meet your goal being positively, hard work and perseverance.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
RomanceA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...