Tinignan ko yung test paper na nasa harap ko pagkatapos kong kumuha ng isa at ibigay sa likod ko. Halos manlumo ako dahil halos lahat puro scene kung paano ang tamang paglalagay o pakikipag usap sa nga clients eh ang inaral ko pa naman ay yung mga meaning ng nga word.
Nagsimula na kong magsagot at inuna ko muna ay yung mga mahihirap para mabilis na lang ako magsagot pagkarating ko sa mga madadali. Naramdaman ko naman na may sumipa sa ilalim ng upuan ko. Tumingin muna ako sa harap para tignan yung prof namin kung nakatingin at buti na lang nakatutok lang ang kanuyang atensyon sa mga papel na nasa harapan niya. Lumingon naman ako at nakita ko na si Mark iyon. Tumaas naman kilay ko dahil kanina pa sinisipa upuan ko eh nakatingin na ko sa kaniya. Tumigil na rin siya pagkatapos ng ilang segundo.
"What?!" Bulong ko.
"Ano ang sagit sa #31?!" He asked. Tinignan ko naman yung tanong sa #31 at ng makita ko tinaasan ko naman ulut siya ng kilay. Dali dali ng tanong tapos hindi niya alam. Mukhang babawiin ko na na naging idol ko siya ahhh..
"Hindi mo alam?! Dali dali lang?!" Bulong ko ulit.
"Magtatanong ba ko kung alam ko?"
"Ewan ko depende sayo kung totoong tanong yan." Kibit balikat na sabi ko dito.
"Psh! Damot mo! Sana hindi ka ligawan ng asawa mo."
Natigil naman ako sa asar dito dahil naalala ko yung kahapon na nakakahiyang pangyayari. magsasabi kasi ng ganun. Kung kailan kumakain buti na lang hindi masyadong nagalit si mommy sa ginawa ko.
"Letter C sagot. Wala ka ng tanong?!"
"Mamaya na pag may hindi ako alam. Sisipain ko naman upuan mo." Sabi niya. Kaya tumalikod na ko sa kaniya.
Pagkatapos kong magsagot nag unat unat ako. May ilan pa rin na nagsasagot pa at yung iba tapos na. Nakita ko naman na tapos na rin si Mark at nakikipagdaldalan o landian na kay Krisha. Edi sana all classmate ang kalandian. Tumayo na ko pagkatapos kong iunat kamay ko. Binigay ko na din yung papel ko bago pumunta sa pwesto nila Mark para mamaalam sa kanila. Lumabas na ako at tinignan phone ko dahil kanina nagvibrate. Sumalubong sakin ang text mula kay Cass na nasa park.
Pagkarating ko dun sa park madali kong nakita si Cass dahil nagtaas kagad ito ng kamay.
"May chicka ako sayo." Salubong niya sakin pagkaupo ko.
"May chicka din ako sayo friend" nakangiting sabi ko din.
"Bet ko yan! Dapat chicka mo yung maganda ah."
"Ako pa ba. Si Cassandra lang ito. Kaibigan mong maganda."
"Hindi pa nagsisimula, hindi na maganda." Irap ko.
"Gaga nito! So eto na nga feeling ko mataas makukuha ko na grade ngayon dahil kanina ang dadali ng tanong!" Masaya niyang sabi.
"Uh-uh and?"
"Yun lang hahaha!" Luh parang tanga ihhh.
"Happy ka na niyan?" Seryosong sabi ko sa kaniya.
"Eto naman! Ayaw akong suportahan. Kaasar!"
Natawa naman ako sa mukha niya. Pikon.
"Ano ba chicka mo?"
"Nililigawan na ako ng asawa ko!" Masayang sabi ko dito. Aba dapat lang dahil hindi ako ang nag first move hahaha.
Nakita ko naman na seryoso siyang nakatingin sakin. Tinignan pa ko ng mabuti na kala mo naman hindi ako nagsasabi ng totoo.
"Sister-in-law!" Napunta naman sa ibang direksyon ang paningin ko. Isang babae ang naglalakad ang nakita ko dahil papunta ito sa upuan namin.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
RomansaA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...