Nandito ako sa school at today is the enrollment of 4th year college. Dumiretso na ako sa registrar and I have someone with me. My Kuya, Meet Hawnz who is cold outside but annoying inside and sweet sometimes. Si Kuya naman ay pumunta sa may waiting shed. Pumunta lang siya dito dahil may gagawin daw sila ng mga Kaibigan niya.
Binigay ko yung mga document na kailangan ko para hindi na ko mahirapan sa pagpasok ko at maging madali na din sakin. Huminga ako ng malalim dahil panibagong year at stress na naman.
Pagkatapos kong ibigay lahat ng document na need. Naghintay pa ko ng ilang minuto bago ibigay sakin yung Certificate of Registration short for COR kung saan makikita ko dun yung mga magiging professor and others things na may kinalaman sa sarili ko bilang studyante ng Westview University. Pagkakuha ko ng COR tinabi ko na sa isang folder bago dumiretso kay Kuya na may kasama na ngayong mga lalaki. Friends niya ata. Hindi naman ako pala-libot nun sa School at ang Kilala ko lang na kaibigan niya ay si Koleh dahil nung isang beses nung nandun pa ko sa bahay. Pumunta siya.
"Kamusta na si Elloara kakahabol sayo. Hindi pa din ba tumitigil?" Rinig kong sabi ng isa habang natatawa pa.
"Hindi pa. Titigil din yun pag napagod" sagot ni Kuya na mukhang problemado.
"Bakit kasi ayaw mo humanap ng iba para hindi ka na kulitin. Edi pag nakita ka niya na may girlfriend titigil iyon. Tapos ang problema mo" sabi naman ni Koleh Nakapaligid silang dalawa kay Kuya na kala mo naman si Kuya yung babae na gusto nila dahil sa ayos nila. Hays kung alam lang nila.
Naglakad na ko papunta sa kapatid ko at nakita ko naman na tumingin ito sa direksyon ko. Sinalubong naman ako nito.
"Okay na?" Tanong niya pagkarating sa tapat ko. Nakita ko rin sa likod niya na papunta na rin sila Koleh sa pwesto namin.
I nodded to him. Tapos tumingin ulit sa mga lalaki na nasa likod na niya. Pinakilala naman ni kuya sila sakin.
"This is Zaenn." Turo ni kuya dun sa lalaki nakasuot ito ng itim na pantalon tsaka t-shirt na puti na kapartner ng puting sapatos. Ang pogi.
Naglahad naman ito ng kamay kaya kinuha ko at nagpakilala na rin.
"And this is Koleh."
"Yeah. I know him." Sabi ko bago iabot kamay ko para makapagshare hands. Tumingin naman si kuya sa akin nang nakakunot ang noo.
"Pumunta siya satin nun. Nung second year ata ako nun. Remember?" Tinitigan naman ako nito kaya tinaas ko dalawang kilay ko. Tinanggal naman nito titig nito sakin bago bumaling sa kaibigan niya.
"Nasaan na nga pala yung isa?" Tanong ni Kuya. Hindi ko alam kung sino tinutukoy nila kaya nagkalikot na lang ako sa phone ko saktong nakita ko nakabukas pa si Cassandra.
"San ka?" Chat ko sa kaniya.
"Hindi ata pupunta. Nagtext na tapos na siya." Rinig kong sabi nung Zaenn.
"Puntahan na lang natin sa Unit niya para sumama" sabi ni Koleh naman.
Nagvibrate naman cellphone ko kaya chineck ko at nakita ko na nagreply na si Cass sa chat ko
"Nandito ko sa school. Sa may park. Why?" Basa ko sa reply niya.
"Allysha, It is okay with you to go home already? I'm going somewhere kasama sila." Paalam ni Kuya. Tumango naman ako dito.
"No problem. Pero hindi muna ako uuwi. Papasama ako kay Cass na maglibot muna bago umuwi." Paalam ko rin dito.
"Okay, Hintayin muna namin si Cassandra na dumating bago kita iwan." Tumango naman ako sa kaniya.
Pagkatapos sabihin ni kuya yun. Chinat ko na kagad si Cassandra na dumiretso sa registrar at bilisan kung maari rin ay tumakbo siya.
Naghintay lang kami ng ilang minuto bago ko nakita si Sandra na papalapit na samin.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
Roman d'amourA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...