Chapter 14

5 0 0
                                    

"Hello Ma'am Erika eto na po yung file ko" magalang kong sabi sa Manager ng hotel na kung saan nag-o-ojt ako. Ito ang last day dahil sa konting araw na lang gragraduate na kami.

"Goodluck on your Journey Elain." Ngumiti naman ako sa kaniya bilang tugon pagkatapos niyang pirmahan yung papel ko. Pagkatapos nun nagpa-alam na ko nababalik na sa University.

Paglabas ko ng hotel pinicturan ko ang harap. Nilibot ko rin ang paningin ko at nakita ko si Kuyang Guard.

"Hello Kuya Guard! Pwede po ba pakipicturan ako?" Tanong ko pagkalapit ko sa kaniya.

"Sige po Ma'am!" Binigay ko naman sa kaniya yung phone ko bago dumiretso sa harap ng hotel. "1..2..3!"

Pagkatapos ng picture ko nagpasalamat pa ko dito bago dumiretso sa University.

Habang nagdra-drive ako tumunog naman ang phone ko at nakita ko na si Kristin ang tumatawag. Sinagot ko naman ito at niloud speaker ko.

"Hello?" Sabi ko pagkatapos kong sagutin ang tawag. "Sis! Papunta ka na ba sa University?"

"Oo nandito na ko sa highway. Bakit?" Kumunot naman ang noo ko dahil narinig ko yung bulong niya na patay. "Toyo talaga. Hindi mo ba nakasalubong si Mark?, Kasi sayo daw siya makikisabay sabi niya" Ginilid ko muna yung kotse ko bago sumagot. "Nandoon ba siya? Kala ko ba kahapon ang tapos niya?" Nagtataka kong tanong. Kahapon kasi nakausap ko si Mark at tuwang tuwa pa nga dahil siya pa daw mauuna saming dalawa na matapos.

"Ayun nga. Kaso kagabi tumawag daw siya sa Supervisor niyo at ngayon na lang daw siya magpapasa para may kasabay siya pati na rin ikaw kahit kasabay mo naman ako."

"Sige text ko na lang siya. Nandiyan ka na ba sa University?" Pag-iiba ko ng topic. "Oo, nandito na ko sa University. Hintayin ko na lang kayo. Ingat sa pag dra-drive ahh." Paalam niya bago pinatay ang tawag. Sakto naman pagbaba niya tumunog naman ang phone ko kaya sinagot ko na rin.

"Hel-

"Hoy! Bakit mo naman ako iniwan? Nandito pa ko!" Tinignan ko naman yung caller at nakita kong si Mark. "Ikaw ngayon magrereklamo eh hindi ka manlang nagsabi tapos kahapon tuwang tuwa ka dahil ikaw pa ang mauuna satin."

"Eto naman oh nagbago isip ko eh tapos ayaw mo nun may kasabay ka ngayon." Sumimangot naman ako kahit hindi niya nakikita "Ang sabihin mo si Kristin ang gusto mo kasabay at hindi ako"

"Nabuking mo na ko kagad nubayan!" Pag-aamin niya. Tignan mo itong loko na ito hindi manlang nagpanggap. Pinaandar ko na yung kotse pabalik sa Hotel.

"Wow! Napakahonest mo naman!" Sarkastic na sabi ko dito. Narinig ko naman tumawa ito "Mahal naman kita bilang alalay kay-

"Gago." Putol ko sa sasabihin niya bago pinatay ang tawag. Alalay my ass. Narinig ko namang tumunog ulit ang phone ko at nakita ko na tumatawag ulit ang gago. Bahala ka sa buhay mo.

Malapit na ko sa hotel ng makita kong umilaw ang phone ko. Tinignan ko naman saglit at nakita kong isang message.

Habang traffic tinignan ko yun at nakita ko ang message ni Mark.

Mark:
Sorry na hahahaha. Hintayin kita ah. Ingat!

Nagsosorry pero may tawa. Pinaandar ko na ulit yung kotse ko bago lumiko para sa harap ng hotel na ko maghintay.

Hindi ko na din pala kailangan maghintay dahil nakita ko na siyang nakatayo sa isang gilid. Lumabas naman ako tsaka ko hinitsiya sa kaniya yung susi.

"Alalay bilisan mo mala-late na tayo" sabi ko pagkatapos niyang masalo yung susi. Narinig at nakita ko naman ito na tumawa at umiiling iling pa.

"Pasalamat ka at hindi ko dala motor ko." Rinig ko pang sabi niya. Pagpasok naming pina-andar niya na yung kotse.

Pagkarating namin sa University sinalubong naman kami ni Kristin. Nauna akong bumaba at sinalubong din si Kristin.

"Si Mark ang nagdrive?" Tanong niya pagkatapos ng yakap namin. Tumango naman ako sa kaniya.

"Hi babe!" Bati ni Mark pagkarating. Sinalubong naman siya ni Kristin at umiwas naman ako ng tingin dahil nag kiss ang dalawa. PDA pa nga.

"Gentleman naman. Ano nakain mo?" Tanong Ni kristin kay Mark. Nang makita ko na magsasalita na si Mark sumingit ako.

"Alalay ko siya ngayon. Hindi siya Gentleman" Tumingin naman sakin siKristin kaya ngumiti ako. Humagalpak naman ng tawa si Mark kaya napunta ang atensiyon namin sa kaniya. Sige tawa ka pa. Mamaya uutot ka.

"Bakit?" Takhang tanong ni Krisha "Tanong mo dyan sa gago mong boyfriend tsaka tanong ko nga kailan kayo naging kayo?"

"Secret!" Umirap naman ako at nauna nang maglakad papuntang registrar. Narinig ko naman sumunod sila habang kwinekwento ni Mark ang nangyari kanina.

Pagkarating namin dun madami dami rin ang nandoon na studyante. Yung iba klassmate pa namin. Kumuha muna kami ng number namin bago dumiretso sa harap para tignan kung anong number na ang nakasalang. 44 45 46 ang mga number na nakasalang at kami naman ay 93 94 95 ang nakuha.

Naisipan namin na dumiretso sa cafeteria at kumain dahil pahapon na at malayo pa kami. Pagkabili namin dumiretso na kami sa forest at dun nalang namin naisipan kumain.

"Uy tara punta tayo sa The Barkeeps" sabi ni Mark pagkatapos naming kumain.

"Sige. Sabihan ko si Cass." Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami sa registrar at naghintay na lang kami hanggang sa kami na.

"Uy sis! Dun tayo sa VIP ahhh" Sabi ni Cass sakin. "Oo nga naman. Tsaka kasama rin si kristin ah" gatong naman na sabi ni Mark.

"Malamang noh tsaka okay lang naman sakin kung saan, ambag ambag na lang tayo" pagsang-ayon ko dito. Pumasok na ko sa kotse at nag-ayos na. Pagkatapos kong mag-ayos. Hindi pa rin sumasakay si Cass kaya tumingin  ako sa labas at nakita ko silang nakatingin sakin.

"What?! Hindi pa kayo papasok?" Nakataas kong kilay na tanong.

"Anong ambag ambag. Ikaw ang gagastos girl! Yaman yaman mo" Sabi ni Mark
"Tama!" At sabi naman ni Cass. Sabay pa silang nag -apir. Nakita ko pang tumawa si kristin.

"Mga Gago"

Choice of Joy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon