Lumingon ako at nakita ko si Zaenn na may kasamang babae. Pinagpatuloy ko ang paglalagay bago dumiretso sa kanila para bumati.
"Hello!" Bati ko at bumaling silang lahat.
"Ohh Hi! Nice to see you. And this is Xoey, My Girlfriend." Tumingin ako sa katabi niyang babae at ngumiti. Ang ganda.
Pagkatapos magkamustahan at batian. Inihatid na ako ni Ate at nagpasalamat pa bago umalis.
Pumasok na ko sa unit at dumiretso sa banyo para maglinis at makapagpalit na rin ng pantulog. Pagkatapos dumiretso na ko sa kama at inabot yung cellphone ko.
Bumungad sakin ang ilang notification ni Cass sa story ko. Inuna ko muna sinilip ay yung ig ko at sakto naman may nakita ako sa story sila Koleh at Zaenn. Una kong tinignan ay yung ig story ni Zaenn, bumungad sakin na nasa isang restaurant sila at nakatutok sa isang lalaking nakatalikod may nakalagay pang caption na libre day. Sumunod naman ay yung kay Koleh. Nahulog pa ang cell phone ko sa mukha. "Aray! Shit." Binalik ko ang tingin ko sa ig story ni Koleh at nakita ko dun yung lalaki. Ngumit ako ng malapad. Ohhh talaga ngang magkikita nga kami. Tinitigan ko muna ng isang minuto bago naisipang i-exit. Pumunta naman ako sa messenger bumungad sakin ang ilang chat ni Cass.
Cass:
Hoy bakit hindi mo ako inaya??
7:56 pmAhhh ganiyanan na. Who you ka sakin.
8:00 pmAba. Hoy Elaenne! Uso tumingin sa phone.
8;15 pmSino yang kasama mo sumbong kita sa Kuya mo.
8:32 pmUyy joke lang! Libre mo ko bukas. Hindi ka nananama
8:35 pmGoodnight na.
9:00 pmHindi man lang sumagot kahit isa sa chat ko :(
9:02 pmNight! Labyuuu pa rin ket ganiyan ka. Hmmp!
9:28 pmAko: Si Ate Quinn ang kasama ko. Nagpasama lang sakin. Goodnight!.
10:45 pmNagreply na ko sa kaniya bago matulog.
Naglalakad na ako papunta sa room ko. Panibagong teacher at stress na naman.
Pagpasok ko madami dami na ring studyante ang nasa loob. Nilibot ko ang paningin ko para makahanap ng mauupuan. Dumiretso ako sa may likod na nasa gilid at naupo.
Nakita ko pa sila kuya at isang babae na parang nagpapansin dahil kausap ng kausap kay Kuya. Muntik pang mabangga kung hindi lang naiwas kagad ni Kuya.
"Huy babae kamusta na!" Bati ni Mark. Friend ko noon hanggang ngayon.
"Maganda pa rin!" Nakangiting sabi ko.
"Ang sabihin mo mayabang pa rin!" Nawala naman ngiti ko sa sinabi niya.
"What?! Excuse me. I'm just being honest here!" Umagang umaga paiinitin pa ata ulo ko.
Tinitigan ako nito ulo hanggang paa. Aba siraulo ito ahh.
"Alam mo. Tsupi ka na doon. Para kang bakla. Kaya wala kang lovelife ehh." Inis ko rito
"Hoy alam ko yang mga gawain niyong babae sasabihan ang mga lalaki ng bakla tapos pag pinatunayang hindi bakla. Sila pa magagalit. Tsaka hiyang hiya ako sayo. FYI! Wala ka ring lovelife!"
"Sorry to say this but i already have na and uh-uh it's future husband well when i meet him it will be my husband na" nakangising sabi ko dito.
"Nek nek mo! Creamstick na naman natira mo! Alis na ko ako" Tsaka pinuntahan si krisha.
"Hoy! Totoo yun! Siraulo ka! Makikita mo!" Sigaw ko
Madali kong nakaclose si Mark dahil Maloko at may mga sense sinasabi niya. Napag alaman ko rin na nililigawan niya ang isa naming kaklase which is Krisha. Gwapo naman si Mark at crush ko siya noon. Kaso ngayon ekis na dahil may asawa na ko.
BINABASA MO ANG
Choice of Joy
RomanceA&Z Allysha Elaenne Romero is someone who is willing to take risks to reach her dreams. Zarius who is smart, and possesses all the personality that women dream of. They met one day and they became a couple. Allysha and Zarius became a perfect couple...