Mabilis kong niligpit ang gamit ko at saka tumayo sa tabi niya, kinuha ko rin ang inumin na hindi ko pa nakakalahati. I asked for water earlier, iyon halos ang ininom ko.
I smiled but he just stared at me, "Why?"
Umiling lang siya.
"Wala ka pang sundo?" paniniguradong tanong niya.
Sigurado kong iginalaw ang ulo ko para ikumpirma. Syempre ay friday ngayon kaya't gets na ni manong why I told him not to pick me up early. Which is good because where going somewhere else! I can just call Manong later though pag kailangan ko na magpasundo.
He didn't ask more, iminuwestra niya ang daan para makalabas na kami ng shop. Dumeretso kami sa parking lot. We stopped at a black SUV pick-up. Ito pala ang sasakyan niya. He opened the car door for me kaya muli akong ngumiti at nagpasalamat. Inalalayan niya pa ako sa pag-akyat. When I did, I comfortably settled next to him.
Nang umandar ang sasakyan tsaka ko lang na-remember na kakarating lang niya sa coffee shop. I hope I didn't disturb him, hindi naman siguro out of courstesy lang 'yung aya niya, right?
"Oh, I'll ask pala what are you suppose to do kanina?" Hindi ko napigilan itanong. "You just arrived 'di ba?" Bahagyang hinarap ko pa ang sarili sa kanya.
Saglit siyang natigilan sa tanong ko. He's jaw moved a bit. Pinasadahan niya ng dila ang ibabang labi. He look over at me once bago ibinalik uli sa daan ang tingin.
Tumikhim siya, "Nothing."
Tumango-tango na lang ako at nagsimula humigop sa natirang inumin ko. Mula sa gilid ay kita ko ang muling pagsulyap niya.
"Are you full? Or we can still eat?" tanong niya.
"I'm not pa! We can still eat, but where?"
He chuckled. "I was about to ask,"
Binuksan ko ang drink at hinalo ang foam, I won't finish it ayokong mabusog. Sinubukan ko mag-isip kung saan pwede kumain. Ngumuso ako ng bahagya nang wala akong maisip. Why now pa me walang kine-crave? I have to think! Do I want salad? A pasta? A pizza? or maybe japanese—
"To your resto?" He suggested na nagpabigla sa akin.
Wala sa sariling humarap ako sa kanya, agaran ang ang galaw ko kaya't hindi ko naisip ang hawak. May tumulong malamig sa akin kaya napatili ako at tuluyang nabitawan ang inumin.
"Oh my gosh!" I reacted like a reflex.
I ruined his car! I I just spilled my drink to the space between us, kahit pa leather ang seat nito. Still—
Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan samantalang ang tingin ko ay nanatali sa ginawang kalat.
"Are you okay?" tanong niya.
Umangat ang tingin ko sa kanya, biting my lip.
"I'm sorry," I sincerely said.
Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako. I look up to him. he doesn't look mad but I still feel guilty.
"It's nothing, come on. Dito na lang tayo," aya niya. He gave me a little smile, it was assuring that made my heart jump for unknown reason.
He's gwapo talaga lalo kapag nakangiti!
Ipinilig ko ang ulo ko at napalobo ng pisngi, I shouldn't be thinking of his face right now. Lumingon ako sa pizza parlor na hinintuan namin. I sighed and lifted my head to him.
"Can I go to restroom first? It's malagkit e," I told him as I showed him my hands.
He gave me a nod, "I'll wait you, I'll find table for us."
BINABASA MO ANG
Hear the mind's need
Romansa"Hmm?" Natigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ang kaunting amusement sa boses niya. I frowned at him, "Don't be like that nga. I mean I have a crush on you kaya! Who would like that?" He stilled. I felt my cheeks flushed when his eyes scrutini...