CHANDLER
Nakabihis na 'ko at ready na 'kong umalis. Ang sinuot ko ay khaki-colored short-sleeve shirt paired with beige shorts, and white sneakers. Ang gamit ko naman na bag ay maliit na tan stylish canvas messenger bag. Bumaba na 'ko at nakita ko si Mama sa sala. Mabuti na lang talaga at pinayagan ako ni Mama na lumabas kasama ang mga kaibigan ko. Si Kuya kasi 'di ako pinapayagan pero hindi naman siya uubra kay Mama hehe. Kaya 'yun, wala rin siyang nagawa.
"May ipapabili ka ba Ma?" Tanong ko.
"Wala naman. Anong oras nga pala kayo uuwi?"
"'Di ko po alam e, baka mga 8 or 9 uuwi na 'ko."
"Oh sige, magtitira ako ng ulam na lulutuin ko mamaya para bukas may makain ka." Ngumiti naman ako nang malapad sa kaniya.
"Sige po, Ma pasabi na lang kay Papa na umalis ako ha?" Tumango naman siya.
"Hoy magdala ka ng pasalubong ah." Nakasimangot na sabi ni Kuya.
"Oo, ano bang gusto niyo?"
"Donuts!" Sabi naman ni Davis nang pumasok siya sa bahay.
"Magpalit ka nga ng damit, pawis na pawis ka. Saan ka ba nagpuntang bata ka?" Masungit na sabi ni Mama.
"Naglaro lang kami ng basketball dyan sa court Ma." Binaling naman sakin ni Davis ang tingin niya. "Kuya, pwede akong sumama?"
"Sa hitsura mong 'yan? Wag na."
"Magbibihis naman ako e."
"Ayoko. Aalis na 'ko, kanina pa sila naghihintay sakin."
"May pera ka ba? Baka wala kang pamasahe pauwi." Sabi ni Mama.
"Meron Ma, tsaka ihahatid naman nila ako rito sa bahay, don't worry. Sige alis na po 'ko ha."
"Ingat."
"Huwag mong kalimutan 'yung pasalubong ha." Pahabol pa ni Kuya Hanz.
Lumabas na ko ng bahay. Naglakad ako nang mabilis papunta sa kabilang kanto at saktong nakita ko ang van nila Jameson. Lumapit ako sa van at binukas naman nila ang pinto kaya kaagad akong pumasok sa loob.
Nakita ko si Max na nakaupo sa likod. Nakasuot siya ng printed white hoodie, baggy loose pants, and low-top sneakers. Mahimbing siyang natutulog. Nakatulog siguro siya kakahintay sakin HAHA. Bagay na bagay din sa kaniya ang messy hair.
Nakaupo naman kami ni Jameson sa gitna ng van, magkatabi kaming dalawa. Nakasuot naman siya ng white undershirt, black jacket, charcoal gray pants, and black leather oxford shoes.
"Ano? Saan tayo?" Tanong ko.
"Kuya Leo, natatandaan mo po ba 'yung sinabi kanina ni Max? Saan nga po ulit 'yung sinabi niyang Korean restaurant?" Tanong ni Jameson sa family driver nila.
"Sa Cosmo Plaza Sir."
"Malayo ba 'yon mula rito?"
"Mga isang oras ang biyahe Sir."
"Sige Kuya Leo, do'n na lang po tayo pumunta."
Umandar na ang van at umalis na kami. Akala ko sa malapit lang na Mall kami kakain, hindi pala. Pero hindi naman ako disappointed HAHAHA. Nakaramdam ako ng excitement kasi matagal ko ng gustong pumunta sa Cosmo Plaza.
Maganda ang lugar na 'yun. Isa yung public square o open place sa gitna ng siyudad. Perfect para gawin ang nightlife activities like partying at nightclubs, pagtry ng iba't ibang foods, panunuod ng mga live performances at photography. Never ko pang natry magclub pero wala rin akong balak.
BINABASA MO ANG
In The Midst Of Chaos (Boys Love)
Teen FictionLove. It's a word that carries countless meanings. Love for the things you enjoy----like playing the guitar, caring for your pets, playing your favorite sports and games, reading books you're addicted to. Love for your family, friends, you...