Chapter 3: First Interaction

230 10 1
                                    

CHANDLER

"Pre."

"Huy gising na."

Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Binalot ko ang buong katawan ko ng comforter at pinagpatuloy ang tulog ko.

"Chan, 'di ka talaga gigising?"

Boses ni Max ang naririnig ko, may halo ng pagbabanta ang tono ng pananalita niya. Inaantok pa talaga ako, ayoko munang bumangon. Ang sarap na ng tulog ko e!

"Mukhang wala kang balak gumising ah, humanda ka sakin."

Bigla niya na lang hinablot ang comforter sa buong katawan ko at kiniliti niya ako sa tagiliran. Biglang nagising ang diwa ko dahil sa ginawa niya.

"Hoy tumigil ka!" Natatawang sabi ko. Nginitian niya lang ako at patuloy akong kiniliti.

"Ang kulit mo ah, gusto mong sapilitan kang ginigising ah."

"Gago ka tama na! HAHA." Sinipa ko naman siya papalayo.

Natatawang tiningnan niya ako. Kinuha ko ang unan at binato siya, nasalo niya naman 'yon. Malakas ang kiliti ko sa tagiliran. Alam niya talaga kung paano ako gigisingin.

"Bumangon ka na dyan mahal na prinsipe, tara na kumain na tayo."

Lumapit siya sakin at tinulungan akong tumayo. Niligpit ko naman nang maayos ang higaan ni Jameson. Tumingin ako sa wall clock at 5:20 na pala ng hapon. Ang haba pala ng tulog ko.

Lumabas na kami ng kwarto at nagtungo sa kusina. Hindi ko maiwasan na mamangha sa bahay nila Jameson, ang laki kasi. Sakto namang nakita namin si Jameson sa dinning area na hinahanda ang mga pagkain.

"Ikaw nagluto niyan?" Tanong ni Max at kaagad na umupo sa upuan.

Umupo na rin ako sa tabi niya. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom.

"Hindi ah." Sabi naman ni Jameson.

"Ba't ang dami naman masyado?" Tanong ko.

"Siyempre, bisita ko kayo. Paniguradong gutom na gutom na kayong dalawa. Tara na kumain na tayo para makauwi na kayo." Tumango naman kami sa sinabi ni Jameson.

Nagsimula na kaming kumain. Siyempre ang dami kong sinandok na rice at ulam. Tataba talaga ako kapag nagstay ako rito kila Jameson ng matagal, ang dami ba namang masasarap na pagkain e.

"Kanina nga pala, tumawag Kuya mo. 'Di na kita ginising kaya ako na lang ang sumagot sa tawag." Nilingon ko naman si Max. Bigla akong kinabahan nang banggitin niya ang Kuya ko.

"O anong sabi? Galit ba?" Tanong ko.

"Hindi naman, tinanong lang kung nasa'n ka raw. Sabi ko nandito tayo kila Jameson."

"Okay."

Kumain na lang kaming tatlo habang masayang nagkwekwentuhan. Ang dami ko 'atang nakain. Gutom na gutom kasi ako haha. Tiningnan ko naman si Max na tuwang-tuwa habang nagkwekwento.

"'Di ba kasama ko kayong tumakas no'n? Inakyat natin 'yung bakod ng school para magcutting ng class. Muntik pa nga tayong mahuli ng guard e haha."

"Oo, ta's lagi tayong pumupunta sa malapit na perya." Sabi naman ni Jameson.

"Ewan ko ba kung bakit lagi tayong nahuhuli."

"Sinusumbong kasi tayo ng mga kaklase natin no'ng elementary pa lang tayo. Mga kj 'yun kasi 'di man lang nila magawang makaakyat sa bakod haha."

Nagpatuloy ang masayang kwentuhan tungkol sa mga memories namin no'ng elementary pa lang kami.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na rin kaming kumain. Busog na busog ako. Sumakay na kami sa van nila Jameson at umalis na rin kami. Ako ang unang ihahatid, sunod naman si Max.

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon