Chapter 15: Just A Friend

143 3 1
                                    

CHANDLER

Isang pagkakamali 'ata ang pagpunta ko rito sa CR. Umurong ang pantog ko dahil sa nasaksihan ko kani-kanina lang. Naisipan kong bumalik na lang ng classroom. Tinalikuran ko na siya at handa na akong maglakad papalayo.

Hindi pa man ako nakakaalis nang maramdaman ko ang kamay ni Kenjie at marahas akong hinila papalapit sa kaniya. Napadaing ako sa sakit nang bigla niya akong tinulak sa wall at kinulong ang ulo ko sa pagitan ng kaniyang braso. Nakatitig siya sakin nang mariin, nakakunot ang noo at salubong ang kilay.

Ito na naman ang weird na pagbilis ng tibok ng puso ko.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Naiirita ako sa hitsura niya, mukha siyang adik. Galit na naman siya kahit na wala pa akong sinasabi sa kaniya.

"What the hell are you doing here, Chandie?" Mariing tanong niya.

"Ano bang tawag mo sa lugar na 'to? Canteen?" Sarkastikong sabi ko, mas lalong naging matalim ang titig niya sakin. "Hindi niyo ba kayang maghanap ng mas pribadong lugar para sa lambingan niyo?"

"Huwag mo 'kong pipikunin ah, panira ka talaga e! Lagi mo na lang sinisira ang lahat. If you ever dare to speak about this to anyone, you'll regret it." Ramdam ko ang gigil at diin sa bawat salitang binitawan niya.

Hindi ako komportable sa posisyon namin ngayon, natatakot ako na sa tuwing nagsasalita siya ay baka magdikit ang aming labi. Feeling ko nga matutunaw ako mula sa mga titig niya. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras. Ngunit hindi ko ipinakita sa kaniya na natatakot ako. Kung nakikita lang talaga ng mga fans niya ang ginagawa niya ngayon, malamang magigising sila sa katotohanan na hindi maganda ang ugali ng lalaking 'to.

"Sinira ko ang lahat? Niligtas ko 'yung kawawang babae na 'yun mula sa kasamaan na meron ka. Alam mo naman sigurong bawal ang ginagawa niyo."

"Wala kang alam, Chandler. And as for what happened earlier, it's none of your damn business."

"Inaano ba kita? Pumasok lang naman ako sa CR at nakita ko kayong naghahalikan ng babaeng 'yun. Anong gusto mong gawin ko? Magsorry ako kasi naudlot ang halikan niyo? Ikaw 'tong ginagawang personal love nest ang public spaces. Bakit? Hindi mo kayang pigilan ang kalandian mo?"

"You think you have any right to judge me, Chandler? You don't know a damn thing about me or what's going on! Keep your mouth shut if you know what's good for you." Galit na sabi niya, nanlilisik pa ang kaniyang mga mata.

Saktong may isang lalaking studyante ang pumasok sa CR at nakita kaming dalawa ni Kenjie. Naalarma ako kaya't mabilis ko siyang tinulak papalayo. Nakatitig pa rin siya sakin, kung nakakamatay lang talaga ang titig, baka kanina pa 'ko nakahandusay dito at pinaglalamayan.

"This isn't over, Chandler. Remember that." Mahinang sambit niya. Nginisian ko na lang siya at lumabas na 'ko ng CR.

Lumulutang ang isip ko no'ng umagang 'yon. Tila ba naririnig ko pa rin ang nakakairitang ingay na ginagawa nu'ng babae habang hinahalikan siya ng kumag na 'yon. Hindi maalis sa isip ko 'yung nangyari kanina. Dapat pala umalis na lang ako kaagad nu'ng nakita ko sila. 'Di ko sinasadyang maistorbo at masira ang init na nararamdaman nila.

Naiinis ako sa sarili ko. Hinayaan ko na naman ang sarili ko na makausap siya at mapalapit sa kaniya. Hindi 'yon kasama sa plano ko! Dapat pinapakita at pinaparamdam ko sa kaniya na wala akong pakialam sa kaniya. Ako 'tong nagsasabi sa sarili ko na hindi ko na siya papansinin pero hindi ko naman magawa.

Gano'n ba talaga kahirap gawin 'yon Chandler? Hindi mo ba talaga kayang iwasan 'yung tukmol na 'yon? O baka naman gusto mo lang na mapalapit sa kaniya lalo?

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon